“Ishir? Ano ‘yon?” tanong ni Jamaica sa kasintahan pagkalabas ni Dante ng bahay nila Moymoy. “Ano’ng ibig sabihin no’n?” Inayos ni Ishir ang kanyang sariling. Maging siya ay nagtataka sa ginawa ni Dante. Ni minsan ay hindi pa niya ito nakita kaya labis niyang nagtataka kung paano nito nalaman ang totoong nangyari. Umiling-iling siya. “Hindi ko alam, Jamaica. I swear! You know where I am that time!” Napasinghap si Jamaica. Sinapo niya ang kanyang bibig at tumaliko mula sa kasintahan. Bigla siyang nagulahan. Wala sa kanilang nakakaalam ng oras ng pagkamatay ni Meding. Hindi na kasi sila nag-abala na ipa-autopsy ito. Hindi rin kasi nila mahagilap si Moymoy kaya ipinaembalsamo na nila agad ang matanda. “Don’t tell me you are believing what he says?” “Hindi ko alam, Ishir!” Hinarap it

