CHAPTER 36 - Miss You

1952 Words

NABIGLA si Angel sa pagtatapat nito. Yumuko lang siya at hindi nagsalita. Ayaw niyang harapin ang titig ni Khalid. Parang may nagtatakbuhan kasi na mga daga sa dibdib niya. 'What does he mean by that?' tanong niya sa sarili. Bahagya pa siyang naiilang lalo at hindi niya maitanong dito kung bakit siya nito hinalikan bago ito mawalan ng malay ilang oras ang nakaraan. Ayaw niyang magtanong dahil natatakot siya sa sagot. Paano kung ang isagot nito sa kanya ay napagkamalan kasi siya nito na ibang babae? Napagkamalan siyang si Muriel. Nakagat niya ang ibabang labi, ano na ba ang nangyari dito at kay Muriel? Nalaman niya lang kay Santa noon na nawala na lang sa picture ang babae. Ang Tita Christen naman niya ay ipinaalam sa kanya na dinala ang babae sa mental. Nabaliw din ba ito kay Khalid?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD