"I LIKE YOU…" nakangiting saad ni Khalid habang nakatitig sa mga mata ni Angel. "Shut up…" namumulang saad ni Angel Jang. Iniwas niya ang paningin dito. Hindi niya alam kung paano niya tatanggapin ang sinabi ni Khalid. Masyado kasing mabilis. Hindi ba at kahapon lang sila nito nagkita muli? Alangan naman na nagkaroon kaagad ito ng espesyal na nararamdaman para sa kanya. Bigla rin naman niyang naalala na hindi kaya masama ang naging tama sa ulo ni Khalid kaya nagsasalita ito ng kung anu-ano. "Let's go back to the hospital para icheck ang ulo mo," nag-aalala na saad niya. "I'm fine. Pero sige, pupunta tayo sa ospital mamaya." In his mind, Angel Jang must be worried about him. "Umalis na tayo," aya ng dalaga. "Okay, let's go!" Hindi nawawala ang pagkakangiti ni Khalid na naaaliw sa kany

