Chapter 6

1279 Words
HINDI NA NAMIN pinag-usapan pa ni Zayn ang nangyari sa amin. Parang normal lang ang kilos niya, gano'n na rin ang ginawa ko. Masaya naman ako dahil asawa ko siya. Kahit papaano ay naging maayos na ang pakikitungo niya sa akin. Wala kaming pormal na usapan. It just happened. Nakikisabay lang ako sa agos. Pero hindi naman na ulit nangyari iyon. Sabay kaming nag-almusal ngayong araw na sa karaniwang araw ay hindi nangyayari, madalas ako lang mag-isa ang kumakain sa agahan. Nakabihis na rin ako. Natingin siya sa akin ng may ragtataka ang mata. “Are you going somewhere, Andri?” nakakunot ang noo niyang tanong sa akin pagkaupo ko sa gilid ng pwesto niya. Marahan akong tumango. ”Oo. Magpapaalam nga sana ako sa ’yo kagabi kaya lang hindi na kita nahintay pa, sumakit kasi ang ulo ko. Pupunta ako sa amin. Dadalawin ko lang sina Nanay.” Humigop muna si Zayn ng kape habang matamang nakatingin sa akin. ”Okay. Isama mo na sa si Manong Rodel o kaya si Nana.” Suhestion niya. Napailing agad ako. Susunduin kasi ako ni Tatay dito. “Hindi na kailangan Zayn. Susunduin ako ni Tatay dito mamaya. Dala naman niya ang sasakyan nina Mommy.” Imporma ko. Tumango lang siya. Tahimik lang kami kumain. Mayamaya ay nagpaalam na rin siya papasok na sa opisina. “Ikamusta mo na lang ako kina Nanay. If you need anything or sina Nanay, just call me, okay? I need to go. I have a meeting at nine o’clock.” Mabilis na rin siyang kumilos at tumayo. Ngumiti ako at tumango. ”Okay. Take Care.” "NAY." TAWAG ko nang makita si Nanay. Umalis din agad si Tatay pagkahatid sa akin dahil may lakad daw si Zarah. Babalik na lang daw siya mamayang hapon. “Anak.” Lumiwanag ang mukha ni Nanay pagkalapit ko sa kanya. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. “Kumusta ang pakiramdam mo Nay?” Marahan kong hinaplos ang buhok niya. Nakaupo siya sa sofa at nanunuod ng drama. “Eto, at nagiging mabuti naman ang pakiramdam ko. 'Wag mo akong alalahanin. Ikaw ang kumusta? Bakit hindi mo kasama ang asawa mo?” Tumabi ako ng upo kay Nanay. “Maaga po ang meeting ni Zayn. Busy iyon nitong mga nakaraang linggo. Ngayon lang niya ulit naasikaso ang kumpanya niya.” Marahan namang tumango si Nanay at ngumiti. “Mabuti naman at parang maayos na kayo ni Zayn anak.” Ngumiti ako sa kanya at ginagap ang kanyang kamay. ”Okay naman po kami ni Zayn ngayon Nay.” “Kailan naman niyo naman kaya kami mabibigyan ng apo anak.” Nag-init bigla ang pisngi ko. Naalala ko iyong huling may nangyari sa’min ni Zayn. Noong unang may nangyari kasi sa amin ay hindi ko naman halos natandaan. Pinamulahan ako ng mukha sa tanong na ‘yon ni Nanay. “Hmm... Si Nanay talaga!” Nahihiya kong saad na ikinatawa ni Nanay. “Sana ay maabutan ko pa ang apo ko sa’yo Xandria.” Napanguso ako sa sinabi ni Nanay. Hindi magandang biro iyon. ”Nay naman! Syempre maabutan mo iyon kahit matagal pa. Magpapalakas ka at gagaling ka. Madami ang nakakasurvived sa cancer kaya kayanin mo rin. Ikaw ang mag-aalaga sa unang apo mo sa’kin.” Naging emotional ako bigla ng sinabi iyon ni Nanay. “Kaya nga pakibilis-bilisan at naiinip na ako rito sa bahay.” Napatango na lang ako sa sinabi ni Nanay. Pagkatapos kong bumisita kina Nanay ay nagkita kami ni Amanda, ang bestfriend ko simula noong college. Nandito na kasi siya sa Maynila. Naliliitan kasi siya sa sahod niya sa probinsiya. Namasyal muna kami saglit sa mall bago kami nagtungo sa isang coffee shop at doon nagkwentuhan. Ang tagal namin na hindi nagkita. Madaming baong kwento ito panigurado. “Ikaw, kailan ka magtatrabaho?” nakangusong tanong ni Amanda. I sigh before I sipped on my coffee. ”Ayaw pa nina Zayn na magtrabaho ako. Hayaan mo ipapaalam ko ulit.” “Si Jared, gusto ka ring makita.” Napatitig ako kay Amanda. Si Jared ay isa ko ring malapit na kaibigan. Hindi pa nga lang niya alam ang tungkol sa pagpapakasal ko. Bukod sa pamilya namin at kaibigan ni Zayn, tanging si Amanda lang ang nakakaalam. “Nabanggit mo na ba sa kanya? May alam na ba siya?” Umiling si Amanda. ”Saka na lang siguro. Kapag maayos na ang relasyon namin ni Zayn.” Tumango naman si Amanda hudyat na naiintidihan niya. ”Sige ako na ang bahala kay Jared kapag nagtanong ulit. Gusto ko na ngang sapakin sa sobrang kulit. Nandito na rin pala siya sa Maynila kaya desididong malaman kung nasaan ka.” Napakagat ako ng pang ibabang labi. Ayokong magsinungaling sa kaibigan ko kaya lang, ayaw ko naman na magalit siya sa asawa ko. ”Salamat Amanda. Hayaan mo sasabihin ko rin sa kanya.” “Kumusta naman kayo ng asawa mo?” Mayamaya ay naitanong ni Amanda. “Ayos naman kumpara noong una kong dating dito.” “Ang martir mo rin, eh no. Hanggang ngayon ay kapit na kapit ka pa rin diyan kay Zayn. Madami namang nagkakagusto sa’yo noong college pa tayo. 'Di hamak naman na kaya kang alagaan at mahalin kaysa ang pagsisiksikan diyan ang sarili mo kay Zayn.” Napangiwi ako sa sinabi ni Amanda sa pagiging matabil ng dila kung magsalita. “Mahal ko kasi. At isa pa, asawa ko na siya. Ngayon pa ba ako bibitaw?” Napailing na lang sa akin si Amanda. ”Hanggang kailan ka nga ba mananatili sa tabi niya?” “Hanggang sa kaya ko. . . I’ll stay with him.” Amanda sigh contentendly after I said. Alam niya kung gaano ang pagmamahal ko kay Zayn. Sa kanya ko kinukwento ang lahat-lahat noon. BAHAGYA akong nagulat nang naabutan ko si Zayn sa sala. Ginabi na kami ni Amanda sa pagkukwentuhan. Hindi ko namalayan ang oras kanina. Nakaligtaan ko ring magpaalam kay Zayn. “K-anina ka pa Zayn?”tanong ko sa kanya ng tumayo ito at humarap sa akin. May kaba akong naramdaman nang seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Galit ba siya sa’kin? Parang ang seryoso ng mukha niya. “Where have you been?” Seryoso niyang tanong. Hindi ko alam kung galit ba siya o malakas lang ang pagkakatanong niya. Napalunok ako sa paraan ng pagkakatanong niya. ”K-ina, N-anay.”. Nauutal kong sagot dahil kinakabahan ako sa pagiging seryoso niya. “Bullshit!” Napaatras ako sa malakas niyang pagmura. ”I called Tatay to informed him na ‘wag ka na niyang ihahatid dahil susunduin kita. But he said, nakaalis ka na at hindi ka na nagpahatid.” Malakas siyang napabuntong hininga. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa kanyang baywang. He is mad. ”Where have you been?” I bit my lower lip. ”Kasama ko kanina si Amanda pagkatapos kung bumisita kina Nanay. I’m sorry, nawala sa isip ko na magpaalam sa’yo.” Napayuko ako pagkatapos. Ayokong isipin niya na naglilihim ako sa kanya. “Sana kahit text man lang nagsabi ka o kina Tatay. I’m worried! Hindi ka naman sanay dito sa Maynila tapos nagpapaabot ka pa nang gabing-gabi. Ni hindi mo rin sinama si Manong Rodel. Paano kung may nangyaring masama sa’yo?” Napamaang ang labi ko sa sinabi niya. Namasa bigla ang mata ko. Biglang bumalik ang Zayn na nag-aalala palagi sa akin. Iyong Zayn na protective sa akin. Noon kasi ayaw na niya talagang nagpapagabi ako ng uwi. “s-orry. Hindi na mauulit.” He just stared at me. Nauna na rin siyang umakyat sa kwarto at naiwan akong napa-isip sa ikinilos ni Zayn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD