"Please take care ate," huling sabi ni Reitta bago nila ako niyakap. Pagbaba ko ay agad na akong pumasok sa loob kung saan ko nadatnan si Liam na problemadong nakaupo at tila malalim ang iniisip sa sofa ng clinic. "Liam?" tawag pansin ko sakanya kaya mabilis naman siyang napalingon saakin saka tumayo at nilapitan ako. "Saan ka galing? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Thalia naman eh," puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Wala sa sariling niyakap ko siya, naramdaman ko naman na nagpakawala siya ng malalim na hininga na tila ba kanina pa niya kinikimkim dahil sa pag-aalala. "I'm sorry lumabas lang ako para magpahangin at makapag-isip ng maayos. I even met with my cousins para humingi ng tulong sa kanila sa magiging flight ko sa pag-alis ko. Don't worry too much na okay? Ayos lan

