48

3000 Words

Ang tanging lugar nalang na hindi ko nabibisita ay ang mansyon ng mga Adams at hindi ko alam kung handa ba akong pasuking muli ang lugar kung saan kami nagsimula at natapos. Ang lugar kung saan ako nakagawa ng napakaraming kasalanan. Alam kong ilang beses ko ng nakita si Kylo mula ng bumalik ako dito galing New York pero sa hindi maipaliwanag na dahilam ay kakaiba ang nararamdaman ko sa pagbabalak kong bumisita sa mansyon. Makakaya ko bang harapin silang lahat muli? Makakaya ko bang harapin siya ulit sa loob ng isang lugar kung saan namin nagawa ang halos lahat ng hindi namin dapat gawin? Ang lugar kung saan nabuo ang nararamdaman ko para sakanya at kung saan din ito nadurog? Nandoon pa kaya sila Nanay Merida? Kamusta na kaya sila Señora? Si Grant? I promised them na bibisita ako or

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD