Weekend ngayon kaya wala naman kaming ginagawa ni Liam. Hindi kasi ako tumatanggap ng offers kapag weekends kasi gumagawa ako ng paintings na nilalagay ko sa page ko para mga binibenta ko atsaka ito ang oras ko para kay Giel. "Where do you want to go baby?" rinig kong tanong ni Liam sa bata habang tinatapos ko ang isa sa paintings ko. "Nothing Daddy," sagot nito gamit ang maliit niyang boses na hindi pa gaanong nabibigkas ang nga salitang binibitiwan niya pero naiintindihan na iyon. for an almost 2 years old baby ang bilis ng growth and development ni Giel. Pinapasok din kasi namin siya sa isang online home based teaching for babies para matutor-an siya ng mga basic learnings. Liam and I can do it by ourselves but our time can't lalo na noong nadagdagan pa ang trabaho ko ng pagmomodel.

