Chapter 3

2131 Words
Third person's POV "Gisingin niyo na si Thalassa" utos ng nakakatandang babaeng Venizelos sa mga kasambahay nila. Hindi alam ni Queen Elisheva kung bakit tila nakakaramdam siya ng kakaiba na hindi niya mawa kung ano at kung bakit. Ngunit ipinagsawalang bahala iyon ng reyna sa isiping wala naman siyang alam na maaaring maging rason para bigla siyang mangamba. "Masusunod po senyora" sagot naman ng isa sa mga kasambahay nila. Lahat naman ng nagtatrabaho sa mansyon ay malapit sa prinsesa kaya walang kaso at walang pili ang kung sino man ang maaari lang na pumanhik at pumasok sa silid nito. Matapos magpaalam sa rey a ay agad naman itong pumanhik patungo sa silid ng prinsesa. Ilang beses itong kumatok pero hindi parin sumasagot ang amo nito kaya naman ay napagdesisyunan na nitong buksan ng kusa ang pintuan dahil wala rin naman itong naririnig miski ang shower o kahit ang television sa loob ng kwarto ay nakapatay. "Lady Eleftheria? Pinapatawag na po kayo ng inyong ina" sabi nito habang nakasilip sa b****a ng pinto ng silid ng dalaga pero ng wala parin talagang sumagot ay binuksan na niya ito ng tuluyan. "Papasok po ako sa inyong silid, Lady Eleftheria" imporma nito na tila naririnig iyon ng dalaga sa kung nasaan man siya ngayon. Nang lingunin nito ang kama ay wala doon ang kanyang amo kaya naman ay nagtungo ito sa banyo ng silid ngunit ng katukin niya iyon ay wala rin namang sumasagot at ng subukan niya itong buksan ay agad naman iyon bumukas at bumungad sakanya ang walang katao-taong banyo. Hindi alam ng kasambahay ang mararamdaman dahil pinaghalong takot iyon kung paanong sasabihin sa reyna na wala sa silid nito ang prinsesa at pangamba sa kung anong possibleng nangyari sa nakababata niyang amo. Gayunpaman ay hindi agad na binuo ng kasambahay sa isipan niya ang isiping nawawala ang prinsesa. Silip muna ito sa terrace ng silid ng prinsesa saka nilibot ng tingin ang tanawin na nakikita mula rito. Nang hindi parin mahagilap ng mata niya ang dalaga ay agad naman siyang lumabas sa silid nito at hinanap ito sa ibang parte ng mansyon ngunit hindi niya talaga mahanap ang nakababata niyang amo. "Meriam ano ba ang ginagawa mo at kanina pa kita nakikitang paikot-ikot sa buong mansyon?" agad na napalingon si Meriam sa mayordoma nila na biglang nagsalita mula sa likuran niya. Hindi siya makatingin ng maayos dito dahil hindi niya alam kung paanong ipapaliwanag ang nangyayari. "Kasi po mayordoma inutusan po ako ng senyora na tawagin si Lady Eleftheria pero po," hindi matapos ni Meriam ang sasabihin dahil sa kaba at takot pati narin sa pag-aalala "Pero ano Meriam? Nasaan na ngayon ang batang Venizelos?" tanong ulit ng mayordoma na nagsisimula ng magtaka sa kinikilos ng kasama sa mansyon. "Kasi po mayordoma wala po siya sa kanyang silid" nakayukong sabi nito na hindi matuloy tuloy ang nais sabihin. Impossibleng hindi niga mahanap ang prinsesa kung nasa palasyo o mansuon lang ito dahil alam din nito kung saan madalas na namamalagi ang dalaga at wa siya sa mga lugar na iyon. Ligid sa kanilang kaalaman ang pag-alis nito habang abala silang lahat. "Ano ba talaga ang problema Meriam? Sabihin mo nga, kung ganon ay nasaan si Eleftheria?" seryoso nitong tanong, halos nauubusan na ng pasensya dahil hindi niya maintindihan ang nais ipahiwatig ni Meriam sakanya, dulot na rin ng pagtanda nito kaya bumababa ang pasensya nito. Sunod sunod na napalunok si Meriam bago nilingon ang mayordoma "H-hindi ko po kasi siya mahanap, kanina pa po ako pabalik-balik at hindi ko po talaga nakikita ang batang Venizelos" utal-utal nitong saad. "ANO?" gulat na sigaw ng mayordoma na nagpatalon kay Meriam dahil sa gulat. "Tawagin mo ang mga gwarya at utusan na tulungan ka sa paghahanap, sasabihan ko ang ibang mga kasambahay na tumulong din dahil baka nanjan lang iyon at nagpapahinga kung saan saan. Kilala mo naman ang batang iyon, ngunit kapag wala pa kayong mahanap ay sabihin niyo kaagad saakin ng mabalita natin ito agad sa senyora" utos ng mayordoma na agad namang sinunod ni Meriam. "Kuya Arturo" agad na tawag ni Meriam sa head ng security ng buong mansion. "Oh ano iyon Meriam at tila nagmamadali ka?" "Si Lady Eleftheria po" hinihingal niyang sabi. "Huminga ka muna, bakit? Ano ang nangyari sa batang Venizelos?" tanong ni Arturo. "N-nawawala po" hinihingal parin nitong sabi. "Ano kamo?" tila nabingi si Arturo dahil sa narinig. "Kanina po kasi ay inatasan ako ni senyora na tawagin si Lady Eleftheria pero wala po siya sa kanyang silid kaya naman ay hinanap ko siya sa ibang parte ng mansion at hindi ko po talaga siya mahanap. Ang sabi po ng mayordoma ay sabihan kitang atasan ang ibang mga gwardya na tumulong sa paghahanap dahil kapag hindi pa po talaga siya mahanap ay kailangan na natin itong ipaalam kay senyora at seniorito" sabi ni Meriam. Agad namang tumalima si Arturo at tinawag ang lahat ng gwardya ng mansion at nagsimulang hanapin ang batang Venizelos. Ilang oras din ang ginugol nila sa paghahanap dahil kahit na sa mga kalapit na lugar ay nagpunta na sila ngunit wala parin silang nakitang Eleftheria, kaya naman ay napagdesisyunan na nilang bumalik sa mansion. "Where is Thalassa? Hindi ba't pinatawag ko siya sainyo kanina pa?" Tanong ng senyora kay Meriam na hindi alam kung ano ang isasagot. "Nawawala po si Lady Eleftheria" walang pag-alinlangan na sabi ng mayordoma na kinabigla ng senyora na halos ikahimatay nito. "Anong sabi mo?" Napayuko silang lahat dahil sa takot ng magsalita ang kanilang seniorito, ang nakakatandang lalake na Venizelos. "Kanina pa po namin siya hinahanap sa buong mansyon pero wala po talaga siya, paumanhin po seniorito at senorya" hinging paumanhin ng mayordoma. "Tinignan ko po ang cctv footage at nakita ko pong kaninang madaling araw siya umalis. Alasais habang kumakain ang lahat ay pumuslit siya para ilabas ang mga gamit at sasakyan niya, dinaan niya ito sa gubat sa likod ng mansion senior pero agad ding bumalik. Saktong alauna naman po ng madaling araw ay umalis siya ulit at hindi na po nagbalik hanggang ngayon" imporma ni Arturo sa nakita. "Tawagan mo ang detective at papuntahin dito ngayon mismo. Hindi maaaring malaman ng mga Adams na nawawala si Thalassa at mas lalong hindi tayo pwedeng humingi ng tulong nino man maliban sa mga tauhan natin na nakakakilala sakanya dahil hindi maaaring malabas o makalat ang itsura ng tagapagmana" utos ng seniorito na agad naman sinunod ni Arturo. Sa kabilang banda naman ay kakapasok lang ni Eleftheria sa probinsya ng Ohio. Walang tigil siyang nagmaneho mula sa mansion nila kaya nasisiguro niyang nalalayo na siya at sa mga bagong daan ito nagpasikot-sikot ng daan upang makaiwas sa mga cctv na nasa highway. Ilang minuto lang ng makapasok siya ng Ohio ay dumating na siya ng Marapangi kung saan kaunti lang ang mga nakikita niyang mga naninirahan at malayo ito sa syudad pero ilang minuto lang din naman ang byahe mula rito ay makakarating ka na sa centro ng Ohio kung nasaan ang mga gusali at ilang establishments, parte parin iyon ng Marapangi, iyon ang ikalawang sitio nito. Bumama siya dito at nagsimulang magtanong ng maari niyang tirhan. "Magandang araw po" bati niya sa isang ginang na nakita niyang nagsasampay sa labas ng bahay nito. "Napakagandang bata mo naman, ano nga pala ang maitutulong ko sayo?" Napangiti naman siya dahil sa sinabi ng ginang. "Salamat po pero nais ko lang po sanang itanong kung saan po dito ang may mga apartment na katamtaman lang po ang laki para sa pang-isahang tao?" Tanong niya dito. "Ay, diyan sa ikalawang kanto sa kanan hija. Marami kang makikitang mga apartment jan na pinapaupahan pero meron din namang binibentang maliliit na maaring matuluyan jan" sagot naman ng ginang. Agad niya itong pinasalamatam saka hinanap ang tinutukoy nito na agad din naman niyang natunton. Nagtanong tanong ito pero karamihan ay puno na at ang iba naman ay masyadong maliit. Hindi naman niya gaanong tinitipid ang sarili niya dahil ang mapipili niyang lugar o bahay ang siya ng titirhan niya ng ilang buwan bago makapag-ipon para makahanap ng bagong matitirhan at hindi rin niyang gustong pahirapan pa lalo ang sarili lalo na't marami pa siyang kailangan matutunan at gawin sa bagong daan na pinili niyang tahakin ng mag-isa. Huminto muna siya sa isang tindahan upang bumili ng maiinom dahil bigla itong nauhaw. Habang umiinom ay may nataw siyang 'for sale' na nakasabit sa isang maliit na bahay na katamtaman lang ang laki para sa pang-isahang tao at may parking area din iyon. Mukha itong maganda dahil maayos at malinis ang itsura nito sa labas. "Ate binibenta parin po ba ang bahay na iyon?" paniniguro niya saka tinuro iyon. "Ahh oo, dati iyang pabahay na pinatirhan ng may-ari sa mas nangangailangan ng tirahan pero balita ko ay lilipat na daw sila ng ibang lugar kaya pinagbibili na niya iyan dahil wala naman ng titira." base sa sinabi ng babae ay mukhang mabait ang may-ari ng bahay na iyon, natuwa ang dalaga sa isipin na mayroong tao na gumagawa ng ganitong pabahay para sa mga nangangailangan. 'Pagbalik ko ng palasyo ay gusto ko ring magkaroon ng mga libreng pabahay para sa mga taong nangangailangan nito dahil habang papunta rina ko dito kanina ay napansin kog medyo maraming nagpapalaboy laboy sa daan.' sa isip nito "Tawagan mo nalang ang numerong nakalagay sa karatula iha para makasiguro ka," mabuti nalang at nakabili siya ng bagong sim card na gagamitin kanina kaya maaari niya itong tawagan ngayon. Dalawang numero ang nakalagay doon at pinili niyang tawagan ang unang numero na nakalagay. Ilang ring lang ay agad naman na sumagot ang may-ari "Hello, good afternoon," bati niya. Tahimik lang ang nasa kabilang linya kaya hindi niya alam kung nakikinig ito pero pinili parin niyang magpatuloy sa pagsasalita. "I'm at Marapangi near Ohio, are you the owner of this house with a for sale and for rent signage outside? The color white one," sabi nito. Agad naman na napagtanto ng kausap ang tintukoy nito. [I am not the owner but my friend is and I can go there to open it for you to have a look inside,] medyo nagulat pa ito ng marinig ang boses lalake sa kabilang linya pero hindi na niga iyon pinansin pa. "Really? Thank you, I'll just wait for you here. Take care" huli niyang sabi bago binaba ang tawag at naupo muna sa tindahan na binilhan niya kanina. "Ate can I stay here po muna for a while? Habang hinihintay po yung kaibigan ng may-ari?" she asked na agad naman tinanguan ng tindera. "Walang problema iha, masyado ring mainit ang panahon kaya mabuti rin na sumilong ka muna riyan," alok pa nito na kinangiti ng dalaga. People outside the palace isn't that bad tho and I am glad na sa lugar ako na ito napunta kung saan tila napakabait ng mga tao. Ilang sandali lang ay may matte black lamborghini na huminto sa tapat ng bahay kung saan lumabas ang isang lalake na nakablack polo shirt na nakatuck in sa denim ¾ shorts nito. Pinaresan naman iyon ng white shoes at may sunglasses na nakasabit sa collar ng polo nito. Nakasuot din ito ng mamahaling relo at ang buhok ay malinis na nakaayos. He looks so expensive. 'Yan na siguro siya' Agad naman ba nilapitan ng dalaga ang lalake na nagpapaliga liga rin na tila ba may hinahanap. "Excuse me," agaw pansin ng dalaga dito kaya mabilis na napalingon sakanya ang lalake. "Ikaw ba iyon nakausap ko kanina?" maingat nitog tanong. "Uh, ah yes yes. That's me," nauutal na sagot ng lalake habang nakatingin sakanya. She's wearing a simple fitted jeans at white tank top, na pinaresan ng 2 inches heels black sandal. Nakahigh ponytail din ang buhok nito na medyo nagpasingkit sa mga mata niya dahil sa bahagyang pagkakabinat nito sa higpit g pagkakatali niya ng buhok. "Hello, I am Thalia Silva. Gusto ko sana na tignan ang bahay and also I would like to ask kung may nakakuha na ba nito?" nakangiti niyang tanong. "Pleasure to meet you Thalia. I am Oliver, Oliver Darcy. My friend Kleliam is the real owner tinutulungan ko lang siya," pakikipagkamay naman ng lalake sakanya. "And sure pwede kitang itour sa loob and to answer the othet question wala pa, wala pang nakakakuha nito," agad silang pumasok sa loob at nilibot ang bahay saka nagpatuloy sa pag-uusap. Nakaramdam siya ng tuwa ng marinig na wala pang nakakabili nito at binibigay nito iyon sakanya sa murang halaga lang kaya't marami pang natira sakanya para pangbili niya ng gamit. Mabuti nalang din at malapit lang sa kinaroonan niya si Oliver kaya't agad din nagawa ang mga proseso ng pagbili niya nito at natirhan din niya ito agad ng araw na iyon. She's taking a good path as of now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD