Kabanata 2: Seduction

2555 Words
Mari's POV Nagising na naman ako ng wala si Cloud sa tabi ko. Inayos ko ang sarili at nag-asikaso na para pumunta sa office. Nawalan ako ng gana na mag-jogging dahil ayokong makita si Charlie. Hindi ko din alam kung nandito pa rin siya pero sana wala na. Parang awa niyo na ayoko talaga ng gulo. Tinatak ko sa puso't isip ko na wala ng ibang mangyayari pa. Bangungot lang iyong nangyari sa pagitan naming dalawa. Saglit na kasabikan sa loob ng limang taon. Pinili kong suotin ang isang tube top at light blue blazer, same color lang din ng trouser ko at beige stiletto. Naglagay din ako ng red lipstick. Red gives me more confidence and empowered me as a woman. Binagsak ko ang buhok ko at bahagyang kinulot ang laylayan nito. Ang ganda ko. Umalis ako sa harap ng salamin at kinuha ang designer bag ko na babagay sa outfit ko today. May client akong imi-meet ngayon. Pagkalabas ko pa lang ng bahay ay muling nasira ang araw ko. I raised an eyebrow at him as I gritted my teeth. Tinignan niya ako mula paa ko hanggang ulo. Nakasandal si Charlie sa kotse niya habang naka-krus ang kamay. Nakasuot siya ng white polo longsleeve na nakatupi hanggang sa ilalim ng siko niya. Umayos siya ng tayo nang makalapit ako sa kanya. "Hanggang ngayon ang ganda mo pa rin," mataray ko siyang inirapan. "Alam ko naman 'yon," Mahina siyang tumawa. "Sabay ka na sa akin," paanyaya niya. Mabilis akong umiling. "Hindi na. Sa tingin mo anong sasabihin ng mga tao kapag nakita na sumama ako sa isang lalaki kahit na may ASAWA ako?" Binasa niya ang labi niya at tumango-tango. "Ako wala akong asawa." Damnit! This man really wants to mess up with me. "Edi maghanap ka ng sarili mong asawa. Hindi na ako interesado sa iyo," patuloy pa rin ako sa pagtataray. "Pero ako interesado." He tilted his head a bit. Lumandas ang maganda niyang ngiti na lagi niyang ginagamit para mang-akit ng babae. "You know me." Natawa ako at umirap. "Syempre kilala kita." Kinuyom ko ang kamay ko. "You're bad boy. Sobrang masama." Umalis siya sa pagkakasandal sa sasakyan niya at lumapit sa akin. Hindi ako umatras at lumaban ng titig sa kanya. Mas tumakad pa ata siya noong huli kaming nagkita. Matangkad si Cloud at masasabi kong magkasing height lang sila. Bahagya akong tumingala para tapatan ang tingin niya. Siya naman yumuko. "But they said that bad boy brings heaven to you. Proven and tested na 'yon, Mari," he whispered. Napalunok ako at tinapangan ang loob para labanan ang nakakapaso niyang tingin. "Nasa langit na ako Charlie... kasama ang asawa ko, si Cloud." Charlie is a bad boy. Cloud is a good boy. Proven and tested na nga 'yon kaya dapat akong lumayo sa lalaking 'to. Remember what I did doon sa kasal? That was humiliating and remorseful. Sinong matinong babae ang bibigay sa lalaking ito kahit na may asawa na? Ang tanga ko talaga at hindi ko hahayaan na mangyari ulit 'yon. Cloud didn't deserve this. He didn't deserve to be treated this way. Umigting ang panga niya at sumilay ang ngiti. "Ito ang rason kung bakit hindi kita mapakawalan." I scoffs. "Wala akong pake sa rason mo." "Feisty." Muli ko siyang inalisan at pumunta sa sasakyan ko kahit na tinatawag niya ako. Sinulyapan ko siya saglit bago pinaandar ang sasakyan para umalis. Kumaway siya bago tuluyang umalis. Nakarating ako sa office at kaagad na inabala ang sarili sa mga gagawin. I'm a marketing executive sa isang boutique marketing firm. May ime-meet akong client pero saglit lang naman iyon dahil need lang na maipakita ko ang report about sa isang commercial. Kailangan naming ma-close ang deal sa isang investors. This way mas lalawak ang company at connection ng brand namin. At sigurado ang malaking profit. "Hello, Mr. Samuel Mondecillo," pagbati ko sabay abot ng kamay sa kanya at nakipagbeso. "Hi, Mari." "Congratulations pala sa kasal mo." Ang alam ko bagong kasal lang itong si Samuel at balak na mag-expand ng business from construction to luxurious perfume company. At nandito ako para makumbinse siya na tulungan namin siyang i-launch ang project niya under sa company namin. "Thank you. So let's start," Samuel said. Pinaliwanag ko ang lahat ng kailangan. Sa huli, nakuha ko din ang deal at napapayag siya na maging part kami ng pag-launch niya ng perfume. Hindi naman ako gaanong nahirapan dahil kasama ko naman ang team ko. "Sige una na ako. Thank you," paalam ko sa mga ka-team. "Teka, Mari." Napatingin ako kay Fina, isa sa member ng team ko. "Bakit?" "Tawag ka ni Madam Precil." Nagtungo kaagad ako kay Madam at nakitang abala siya sa pagbabasa ng mga papeles. Kinatok ko ang pinto na nakabukas para matawag ang atensyon niya. "Come in, Mari." "Ano po 'yon Madam Precil?" "I want you to do a favor for me..." humilig siya sa inuupuan niya at buong atensyon akong tinignan. Lumabi ako at marahan na tumango. "Basta kaya ko." Ngumiti siya. "Kaya mo 'yon. I want you to meet someone lang naman." Mabilis akong tumango dahil simple nga lang naman ang ipapagawa niya. "Sure. Sino?" "I'll just send you the address." *** Nakailang tingin ako sa wrist watch ko dahil ang tagal ng hinihintay kong architect na sinabi ni Madam Precil na dapat kong makausap. Ayon kay Madam Precil, ito raw 'yong nanalo sa bidding para sa renovation ng main headquarters namin. Nakakahanga na sana kaya lang napaka-responsable naman ng architect na ito para ma-late sa usapan. Fifteen minutes na akong naghihintay dito sa isang garden restaurant. Ayokong pinaghihintay kasi sayang sa oras. Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon. Ang asawa ko pala, si Cloud. Napangiti ako at mabilis na sinagot. Tila humupa kaagad ang inis ko sa paghihintay. "Hi, hon. Napatawag ka?" muli akong tumingin sa wrist watch ko. 3:30 p.m. Tumikhim siya. ["Magpapaalam sana ako na baka hindi ako makasama sa iyo sa reunion mamayang gabi. Kulang kasi kami ngayon sa doctor. Alam mo na..."] nahihirapan niyang sabi. Pinilit kong ngumiti at tumango. "Okay lang, Hon. I understand naman." I heard Cloud sigh. Hindi rin naman niya ito gusto pero kailangan niyang unahin ang trabaho niya. ["I really am sorry. Babawi na lang ako."] Ilang beses ko na iyong narinig mula sa kanya pero naiintindihan ko naman. Suportado namin ang isa’t isa at malawak ang pag-intindi ko sa asawa ko. "I just want you Cloud," malambing ko sabi. "We have a lifetime para makabawi ka." Kinagat ko ang labi ko. Kaya naiintindihan ko ang field ng kanyang trabaho, minsan talaga gusto kong ako naman ang piliin niya. Kahit isang beses lang. Kasi ako, kaya kong isuko ang trabaho ko para lang makasama siya kahit saan. ["I'm so lucky to have you."] Napangiti ako sa sagot ng asawa ko pero mali siya kahit na mas matimbang ang trabaho niya kaysa sa akin. Hindi siya swerte sa akin. I'm the luckiest woman in the world to marry him. I have so many flaws and his near to perfect. Pagkatapos ng ginawa ko, alam kong hindi ko deserve si Cloud. Siya na ang lahat... lahat ng hinahanap ng isang babae ay makikita sa kanya. I am indeed the luckiest. "I love you, Cloud." ["I love you, Mari. Update mo na lang ako mamaya about sa reunion. Text mo ako kung anong oras ka uuwi para masundo kita."] "Hindi na. Dala ko naman ang sasakyan. You don't have to worry. Tsaka hindi ko alam kung magtatagal din ako doon." ["Okay. But let me know, Hon."] "Okay." [“Doc Cloud, may naghahanap sa ‘yo.”] Rinig ko mula sa linya ng asawa ko at alam ko na ring doon na matatapos ang tawag namin. [“I gotta go, Hon. Just update me. Love you.”] Naputol na ang tawag at malakas akong napabuntong-hininga. May reunion nga kami mamaya. Batch nila Cloud at batch namin. Malaking event ang mangyayari at sobrang excited akong makita muli ang mga kaibigan ko. Pero kaagad kong naisip kung sino nga ba ang mga naging kaibigan ko noon... I was with my best friend in my entire college life. I was with... "I wasn't expecting you to be here." Kaagad akong napalingon sa nagsalita. Matindi akong napalunok ng makita kung sino ang lalaking nandito nga sa harapan ko. Suot niya ang isang beige polo short at trouser at pares nito ang kilalang sapatos. May maganda rin siyang rolex sa kanyang kaliwang kamay. He’s hot like the sun. Pero tulad din ng araw, hindi siya magandang lapitan dahil mapapaso ka. Nagtiim-bagang ako at umirap. I was thinking of him and now he's here. "Anong ginagawa mo rito Charlie?" I paused, sighing. "Hanggang dito ba naman susundan mo ako. Hindi ka ba marunong umintindi?" banas kong tanong sa kanya. Halatang gulat si Charlies sa sinabi ko. Bahagya pang napaawang ang labi niya bago tumango-tango. "I'm not here for you," Muli ko siyang inirapan. "You and your lame excuses." tinignan kong muli ang wrist watch ko dahil naiinip na nga ako sa paghihintay tapos nandito pa si Charlie para sirain ang araw ko. He scoffs. "Totoo. Hindi talaga ako nandito para sa'yo. In fact, I'm here for my client." "Client o babae mo?" I pressed my lips in a tight line after what I said. Hindi ko dapat sinabi 'yon. "Wala na dapat sa iyon 'yon." Sabi na e, iisipin niya na may pake pa rin ako sa kanya. "Okay. Let's say na naghihintay ka nga sa client mo. Where is he or she?" Tumingin siya sa phone niya. "Sabi dito daw kami magkikita sa garden," sagot niya habang nakatingin sa phone. Hindi ko alam kung papaniwalan ko ba siya pero mukhang totoo naman ang excuses niya. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahiya dahil naging assuming ako. "Ikaw? What are you doing here? Baka ikaw ang sumusunod sa akin?" natatawa niyang tanong. "Huh!" I scoffs. "Kapal mo naman Charlie. Nandito ako para makipagkita sa isang architect," mataray kong sabi. "Architect?" "Oo." "I'm an architect." Tinuro niya ang sarili niya at magiliw na ngumiti sa akin. "Ikaw?" taka kong tanong. "Oo. I become an architect," simple niyang sagot. Napalunok ako. Oo nga naman after five year na mawala malamang nag-iba din siya ng course noong college. He's industrial engineering before. Pero close naman ata ang dalawang iyon kaya hindi malabo. Malapad siyang ngumiti. "Baka ako na ang hinahanap mo?" "B-baka nagkataon lang..." nag-iwas ako ng tingin kay Charlie. No! Hindi dapat siya! "Sino bang architect ang hinahanap mo?" "Wala ka na doon," hindi ko pa rin siya tinitignan dahil naiinis ako sa nang-aasar niyang mukha. "My client's name is Precil Fuentales." Mabilis ko siyang nilingon. "P-precil? Precil Fuentales?" He proudly nods his head. "Yeah. And I won the bidding for renovation of her company." Shems! Siya nga ang hinihintay ko. Napalunok ako at hindi makapaniwalang napabuga ng malalim na hininga. I discussed with him the plans of madam Precil. About kung kailan magsisimula ang re-construction ng headquarters at ang alamin kung anong plano niya. Naging maayos naman ang lahat. Pilit kong hindi pinapansin ang malagkit niyang tingin sa lahat ng ginagawa ko. Madalas ko nga siyang nahuhuli na nakatingin sa labi ko pero iniirapan ko na lang siya. "That's all," pagtatapos ko. Hindi ko na uulitin kung naintindihan niya ba o hindi. Basta nagawa ko na ang dahilan kung bakit ako nandito. Tumayo ako at inilahad ang kamay. I still have to be professional. "Thanks for your time, Mr...?" sinadya kong hindi banggitin ang pangalan niya. Tumayo din si Charlie at tinaasan niya ako ng kilay. "Nakalimutan mo ang pangalan ko?" namamangha niyang sabi. He bit his lower lip, seductively. Damn him. “Do I have to make an effort to remind you?” Tumaas ang sulok ng labi ko. "As far as I know, you never introduce yourself Mr." Kita ko ang matindi niyang paglunok na may ngiti sa labi. "Okay." He sighed. "I'm Charlie Joson Devínna, your ex-fvck buddy." Natigilan ako sa sinabi niya at pasimpleng tumingin sa paligid pero wala namang nakarinig dahil walang tao. "Be professional, Mr. Devínna. We’re not here to play," mariin kong sabi. Namilog ang kanyang bibig. Nakabawi siya at tumango. "Just call me Charlie." "Okay. Thanks again." Akma na akong aalis pero hinawakan niya ang braso ko. "Aalis ka na?" "Mr.-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tinaasan niya ako ng kilay. “Tapos ang trabaho kaya pwede na tayong mag-usap ng maayos.” Umiling ako. "Charlie, naghihintay ang asawa ko. Naghihintay si Cloud sa bahay namin," marahan kong sabi na may diin sa bawat salita para makuha niya ang nais kong iparating. Kahit ulit-ulitin ko pa para lang makuha niya na hindi na ako pwede! He smiles and it gives me goosebumps. "Your husband is not in your house. Narinig ko ang pinag-usapan niyo." Hinila ko ang braso ko sa kanya at sinamaan ng tingin. "Hindi ko alam na mahilig ka na pala ngayon na makinig sa usapan ng iba?" "Everything has changed. Hindi ko sinasadya na marinig kayo," palusot niya. "Talaga?" "Totoo," paninindigan niya. "Tatawagan ka na lang namin Charlie para makausap ang boss namin. Hindi naman talaga ako ang dapat na kausap mo ngayong araw. So, I'll go ahead," pagtatapos ko ng usapan. Kung gaano ko siya gusto pang makausap ganoon din ang kagustuhan kong umalis sa kanya. Nagsimula na akong maglakad pero tinawag niya ako. Hindi ako huminto pero naging mabagal ang paglakad ko. "Pupunta ka ba mamaya sa reunion?" I almost forgot na kasama nga din pala siya doon. Ka-batch niya si Cloud pero hindi naman siya naka-graduate noon dahil umalis siya. Tuluyan akong napahinto sa paglalakad at nilingon siya. "Invited ka ba?" Binasa niya ang pang-ibabang labi bago nilagay sa bulsa ang kamay. "No pero someone invited me," diniinan niya ang salitang ‘invited’. “I’m expecting you to be there,” dugtong pa niya. "No. Hindi ako pupunta." Naglaho ang ngiti ni Charlie. "Dahil ba sa akin?" I humorlessly laughed at him. "No. Hindi na sa 'yo umiikot ang mundo ko Charlie. Hindi lahat ng magiging dahilan ko tungkol sa ‘yo. Tulad nga ng sabi mo, everything has changed. Ako rin naman. Kaya kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako." Tinalikuran ko siya at mabilis na lumakad papalayo. Ang dami kong gustong itanong sa kanya, ang dami kong gustong malaman kung anong nangyari sa kanya five years ago pero natatakot ako. I built this wall to protect myself from him. Hindi ko pwedeng ako mismo ang sumira nito para sa kanya. May asawa na ako ngayon. Alalahanin mo Mari, may asawa ka na at hindi mo pwedeng panagutan ang pagiging tanga mo sa dati mong kaibigan. Si Cloud ang asawa ko. I rather choose to stay at home kaysa dumalo sa reunion mamaya. Tulad ng sabi ko wala din naman ako masyadong naging kaibigan dahil halos sa kanya umikot ang mundo ko pero may mga tao rin na umaasa sa akin na makita ko. Pero pwede naman akong gumawa ng excuse since hindi naman kasama si Cloud. Tama. Iyon nga ang pwede kong sabihin. Muling sumagi sa isip ko si Charlie. Every time na kaharap ko siya, I have to remind myself na may asawa ako. Kasi kung hindi... Charlie's great seduction will creep on my system again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD