Lucia's POV
"Aray ko! T*ngina naman!"
Banas kong sinipa ang kama ko ng mahulog ako rito, pero dapat pala hindi ko na ginawa. Mabilis akong tumayo habang hawak ang hinliliit ko sa paa. Punyeta! Ang sakit!
Lumakad ako palabas ng pinto para sana kumain sa baba ng madupilas ako sa nakaharang na skateboard, argh!!!
*Blag*
"LUCIA! ANO NA NAMAN BA YAN?!"
Napa-ngiwi ako ng marinig ko ang boses ni Nanay, hanep magang-maga mararatrat na naman ako. Narinig ko ang mga yabag ni Mama kaya mabilis kong kinuha ang damit ko at sinuot. Hindi ako sanay ng may suot na damit, panty ay pwede pa. Minsan nga ay napag-kakamalan akong lalaki lalo na sa buhok kong hanggang balikat na nga lang naka-under cut pa, It's cool kaya.
"BUKSAN MO NGA TONG BATA KA!"
Banas kong hinilot ang tenga kong mukhang masasabon na naman, tsk! Buti nga si Nanay hindi napapasma pag-umiinom, puro chika tsaka pagalit pa naman ang alam non.
"Anjan na! Saglit lang Nanay!—Nay sandali lang po kako baka masira mo yung pinto ko!"
Iika-ika akong pumunta sa pinto ko, the fvck! Hindi ba nila nakita yung sign ko sa labas? "Panget ang kumatok" Sabagay okay lang kay Nanay yon, hindi naman sya kagandahan *evil laugh*
Kidding! Ganda kaya ng Nanay ko.
"Aww! Aray!"
Pingot ang sumalubong sa akin pag-labas ko, wala naman akong ginawa ha! Bakit namimingot si Nanay?!
"Hoy bata ka! San ka galing ha?! Ala una na ng umaga kanina wala ka pa sa bahay!"
Gusto kong manapak sa sinabi ni Nanay, pano nya nalaman?! Nag-lagay kaya ako ng bagong sign sa pinto "Nasa loob ako"
Bobo talaga yung hayop na tukmol na yon! Bakit ko ba kasi sinunod ang kupal na yon?!
"Nanay! Makiki-tulog sana ko kila Jarred kaso andon pala syota nya—aray! Sandale!"
Hinila ako ni Nanay pababa, andon si Ate Lucy at si Tatay. Buti pa si Ate laging fresh ako haggard na haggard sa pang-bubugbog ni Nanay, nakuuu! Kung pwede lang lumaban. Kaso sangkaterbang salita naman matatanggap ko kaya no thanks na lang.
"Nay, wag nyo naman pong masyadong saktan si Lucia"
Malumanay lang ang boses ni Ate Lucy kaya napa-ngiti ako ng malaki, ngingisi ngisi akong tumingin kay Nanay. Hehe Ate Lucy yan eh, sya ang gumagastos dahil medyo nakikilala na sya sa TV lalo na at yayamanin ang jowa ni ate. Minsan nga ay gusto kong pag-tripan yon, hindi kasi ako pinakilala nila Mama don.
Konti lang din ang nakaka-alam na may kambal si Ate Lucy lalo na at sumisikat na sya, sabi ni Nanay baka daw mawala ang mga fans ni Ate kapag nalaman na may kambal syang nakulong na.
Medyo masakit pero keri ko naman, I killed someone and it's a long story so don't bother to ask.
"Naku Lucy yang kambal mo hindi na naman umuwi sa tamang oras"
Mahinahon ang pag-kakasabi ni Nanay non sabay lagay sa pinggan ni Ate ng bacon. Gusto kong Bacon! Bakit wala nang natira sa akin?
"Nay penge rin akong Bacon!"
Sinamaan lang nya ako ng tingin sabay ngiti kay Ate Lucy, nubayan! Banas kong kinuha ang itlog na sunog na halatang natira na lang.
"Pwe! Ang pakla!"
Binatukan ako ni Nanay dahil sa sinabi ko, totoo naman ah! Buti nga at may honest syang anak
"Ikaw bata ka! Puro ka reklamo—!"
"Nay! Hindi na ako bata! Tsk. Pasok na ko malalate na ako may exam pa naman ngayon"
Hindi ko na pinansin ang pag-dada ni Nanay, hindi ko na rin binigyan ng pansin si Tatay na hindi rin ako pinapansin.
Patakbo akong pumunta sa bahay ni Jarred sigurado akong tulog parin yon dahil galing kami sa gimik, tsk! Lalo na yung 2 pa naming kasana kagabi.
"Hoy kupal!"
Haharangin sana ako ng guard sa harap ng bahay nila pero sinamaan ko ito ng tingin, syempre takot sakin to bagong guard kasi to nila Jarred kaya di ako kilala kaya sinapak ko kagabi ng tutukan ako ng b***l hinatid ko kasi dito yung hayop na Jarred na yon.
"Hi Tita! Bakit lalo kang gumaganda pag-nakikita kita?"
Lumaki ang ngiti ni Tita, Mama ni Jarred dahil sa sinabi ko o diba close kami. Hinampas nya ako ng mahina tsaka tumawa ng mahina. Hehe
"Ikaw talaga Cia! Naku kung hindi ko lang alam na hanggang friends lang kayo ng baby ko ipapakasal ko kayo!"
Kumapit ito sa akin sabay hila sa akin papunta sa kitchen nila, *giggle* ito ang gusto ko kay Tita laging may pag-kain kapag pumupunta ako dito. Mas may nakakain pa ko dito kesa sa bahay namin eh. Kinuha nya ako ng plato tsaka nilagyan ng maraming pancake at chocolate syrup, alam talaga ni Tita ang gusto ko! At Bacon!
Nag-ningning ang mata ko ng makita kong inalis ni Tita ang may takip na plato sa lamesa, bacon! Bacon! Bacon! Maraming Bacon
"Ma! Nawawala yung polo ko!"
Bumaba yung taong kanina ko pa gustong patayin, narinig ko ang hagikgikan ng mga kasambahay nila. Bakit ganito itsura ng mga maid nila? Bakit ang babata ata? Bago ba to? Nasan sila aling Memang?
"Ang macho talaga ni Sir hano?"
"Oo sinabi mo pa!"
"Sa tingin ko ay masarap humalik si Sir"
"Hinalikan nya ako kaninang madaling araw sister!"
Napangiwi ako sa huling sinabi ng pinaka mataba sa kanila. Seriously? Sa tingin nya kaya papatol sa kanya yang si Jarred? Eh sing arte ng hudyo yan.
Mayabang na bumaba si kupal halatang nakita ako, slowmo pa ang pagbaba nito habang naka-hawak sa abs. Bakit ba kasi naka pants lang si kupal?
"Hoy gago bilisan mo nga ang arte mo!"
Narinig ko ang pag-singhapan ng mga maid nila Tita at ang malakas na tawa ng mag-ina. Bakit anong nakakatawa?
"Easy ka lang Cia first day of class natin ngayon pwedeng ma-late"
Walang paki nyang sabi habang nag-lakad papunta dito sa kusina at ang walang hiya ay kumain sa mismong plato ko! Ang pagkain ko!
"Hoy siraulo! Kanina pa ko banas na banas sayo ha! Bat mo kinakain pag-kain ko?!"
"Aray ko naman Cia!"
Hinilot nya ang batok na binatukan ko, bakit ang timawa nitong hayop na to? Sakin na nga binigay kukunin pa. Narinig kong tunatawa si Tita ng mahina sa gilid namin, bakit ang hilig nilang tumawa?!
"Ang cute nyo talagang mag-lambingan hano?"
Agad na inipit ni Jarred ang ulo ko gamit ang isa nyang kamay tsaka ako kinutusan, argh!
"Mama ako lang cute etong panget na to hindi"
Ang baho nya! Hindi literal! Mukhang di man lang naligo simula ng dumating kami kaninang madaling araw.
"Gago naligo ka man lang ba?!"
Malaki ang ngiti nyang lumingon sa akin
"Hehe Hindi, ang lamig kaya"
••••••••
"Bakit ba ako laging naniniwala sayo?" Yamot kong tanong kay Jarred, ang sabi nya okay lang ma-late eh half-day ang ginawa ni gago!
Ala-una na kaming pumasok dahil nauwi sa wrestling ang away namin, hindi pwedeng hindi ko sya mabubugbog ano sya sira?
"Kasi ako lagi ang top one sa klase natin"
Proud nyang sabi kaya inirapan ko sya, tama nga naman. *sigh* buti na lang matalino sa Acads si kupal kinulang lang sa diskartr, sa akanya ako kumukopya lagi kaya ayon lahat ng suggestions nya ginagawa ko. Para tuloy akong utouto nito
"Ms. Moreal and Mr. Monteverde both of you are too early for your tomorrow's class"
Sarcastic na pag-kakasabi ni Ma'am ano ulit name nito?
"Aw sorry about that"
Hinawakan ko pa ang dibdib ko habang mapang-asar syang tinignan, I'm Lucia known as Cia here in campus. I'm a b***h here and they all know that.
"Who told you that you can go in my class?" Mataray nitong sabi.
"My tuition fee"
Mataray ko ring sabi sa kanya, ano sya chix? Ang tanda na nga nya ang taray nya pa.
"Ooohhh!!!"
Boses yan ng mga tanga naming kaklase, wala kasing may gustong sumagot sa matandang to dahil may kapit daw sa taas. Sapakin ko to eh.
Namumula syang tumalikod kaya inalahad ko ang kamay ko kay Jarred, easy 1k baby!
"Nakaka-inis namang makipag-pustahan sayo!"
Inis nyang bulong sa akin.
"At bakit? Ang usapan kung makakapasok tayo may 1k ako kapag hindi sayo yung 1k"
Mahaba kong paliwanag habang papasok sa pinto, kinindatan ko si Meghan na kabarkada ko rin. Tsk! Halos lahat pala sila kabarkada ko. May tinatawag lang tayong special group and special friends
"Pero kasi sinagot mo sya! Kung hindi mo sinagot hindi tayo makakapasok!"
Kulang talaga sa diskarte tong si kupal, sinong gago ang hindi sasagot kapag tinatarayan ka na? Oohhh! So kupal yung gago na yon!
"Nakapasok o hindi?"
Bored kong tanong sa kanya
"Nakapasok..."
Mahina nyang sabi sabay iwas ng tingin kaya napatawa ako ng malakas, obob rin to eh.
"What are you laughing at?!"
Masamang tingin ang binigay sa amin ni Ma'am nukhang hindi nadidiligan, halata naman eh. Kahit kelan hindi ko nakitang blooming si Ma'am. -.-
"None of your business Ma'am" Bored kong sabi dito sabay upo sa upuan ko sa dulo
Napapansin nyo ba? Kapag sa dulo maingay pero masaya, kaya sa dulo kayo laging uupo. Isa pa doon laging naka-upo ang bida ng mga story eh.
"I'm sorry?"
Mukhang hindi makapaniwalang sagot nya sa akin kaya napa-ngisi ako.
"Apology accepted Ma'am!"
Naka-ngisi kong sabi na nakapag-ani ng ingay sa mga kulang sa utak kong kaklase habang si Jarred ay iiling-iling
"Oooooohhhh!"
"Ehem girlfriend ko yan!" Sigaw naman ni Meghan
"Ay Ma'am binara ka oh!"
"Office! Office! Office!"
Mga siraulo!
"Go to office Lucia Moreal!"
Namumulang sigaw nito sa akin habang naka-turo sa may pintuan.
"And why? Pag-aaplyin mo ba ko dahil hindi mo magawa ng tama yung trabaho mo?"
Naka-cross arm kong tanong habang mapang-asar na naka-tingin sa kanya, ano ka ha?
"Oooooh!!"
"Cia! Cia! Cia!"
Kinalabog ng mga kaklase ko ang mga lamesa nila habang sumisigaw. Ganito ang classroom hindi yung puro number one nyenyenye.
GAHAHAHAHA
Umiiyak na umalis si Ma'am, tsk! Magsusumbong na naman yong babae na yon.
Balewala akong tumayo sabay kuha sa bag ko, last subject na kasi namin ngayon yon. Tinignan ko si Christian, Ralph, at Jarred na katabi ko sa likod. Si Meghan naman ay lumapit na sa amin. Sila ang tinatawag ko na special friends, ang iba mga close friends ko lang at friends lang.
Si Christian at Ralph ang kasama namin gumimik kagabi, si Meghan ay hindi sumama kagabi dahil nag-ala prinsesa nanaman sa kanila yan
Ngumisi ako sa kanila.
"Tara gimik may 1k ako"
Mayabang kong sabi sabay taas ng isang libo na napanalunan ko kay Jarred, umirap lang si Jarred.
Kapag gigimik at wala akong pera ililibre ako ng mga to, pag meron ade happy happy.
"Hindi ako pwede guys, uuwi si Mommy"
Tinaasan ko ng kilay si Meghan,
"Rules Meghan, Rules"
Meron kaming batas mag-babarkada, kamukha ng kapag hindi ka nakasama sa gimik ngayon sasama ka dapat sa susunod.
"What about my mom?"
Frustrated na sabi nya. Kaya ngumiti ako ng malaki, bukod sa pagiging gaga may iba pakong kakayahan. Kakayahan amp
"Akong bahala sa Mommy mo"
My special ability is
'Mang-gago—I mean mang-bola'
....
By: _ME_