-Summer -
*
Di pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Pearl kahit nagdaan na ang mga araw ... Yung pamilyar na halik niya.. Hayss. Mababaliw na ako kakaisip.. May kutob ako .. Nakita ko na siya dati.. O magkakilala kami.. Ughh!! Pearl.. Pearl.. Sino kaba talaga ,bakit pinapahirapan mo ako ng ganito..
"Summer, may naghahanap sayo?" si Vera..
"Sino ?"
"Kumusta Summer ?"
"Miggy? What are you doing here?"
Si Miggy ang hambog na kapatid ni Georgia... Ano bang ginagawa ng mokong na to dito...
"Nakwento kasi ni Georgia sa akin nuon na kailangan mo ng dugo ng sirena para sa ikakabuti ng karamdaman ni Tito Gilberto.."
"Yes?"
"So ibig sabihin kailangan mo pala ako ."
"What do you mean?"
"Mabibigyan kita ng dugo ng isang Sirena.. Red blood Summer ng totoong Sirena.."
Napatitig ako kay Miggy..
"Yes Summer .. "
"Hindi totoo ang mga sirena.."
"Sino ang nagsabi? Totoo ang mga sirena Summer, in fact meron ako sa rest house namin and siya ang makakatulong sa paggaling ng iyong ama.."
"Ano? Totoo ba yang pinagsasabi mo.."
"Sumama ka sa akin.. Nang makita mo .."
"Gusto kong makita ang sirenang sinasabi mo Miggy ngayon na ."
"Okay .. Walang problema.."
Agad kung kinuha ang aking bag .. at sumama kay Miggy sa resthouse na sinasabi niya..
Pagdating sa resthouse agad niya akong dinala sa basement at agad bumungad sa akin ang napakalaking aquarium...
"Look Summer... Tingnan mong mabuti.. "
DALAWANG SIRENA ANG AKING NAKITA. ISANG LALAKI AT ISANG BABAE!!
Napatitig sila sa akin..
"Sila ang kailangan mo para mapagaling ang iyong ama ."
"No! Miggy, ibalik mo sila sa dagat.. Pakawalan mo sila.."
"At bakit ko naman gagawin yun.. Sila ang nagpapayaman sa akin , sa lugar natin Summer . kailangan natin sila. "
"Pero hindi ako papayag na patayin mo ang isa sa kanila para makuha ang dugo na makakalunas kay Papa!! " tugon ko kay Miggy habang nakatingin kami sa mga sirena..
Totoo pala sila.. Totoo sila..
"Sinong nagsabi sayo na papatay tayo ng sirena ... Kukuha lang tayo ng dugo sa kanila at ipainum natin kay Tito Gilberto."
Napatingin ako kay Miggy.. .
"Look Summer, umiiyak siya ng gintong bato, see! Ito ang sinasabi ko na nagpapayaman sa atin. "
Umiiyak nga ng gintong bato ang may edad na babaeng sirena.. Naawa ako sa kanya sa kanilang dalawa..
"So ano, tatanggapin mo ba ang tulong ko Summer para matapos na ang paghihirap ni Tito."
"Pagtatanggapin ko ano ang kapalit?"
"Simple lang.. Balikan mo si Georgia.. " at sumeryuso ang mukha ni Miggy..
"Pero hindi ko na mahal ang kapatid mo.."
"Eh di mahalin mo siya ulit."
"Kailangan ko ng bumalik sa resort."
Agad akong lumabas sa basement.. Hinabol ako ni Miggy..
"Summer , pag isipan mong mabuti."
Hindi ako umimik at agad na akong sumakay sa sasakyan at umalis pabalik ng resort..
---
"Vera may nabanggit kang pangalan minsan, tinanong mo sa akin kung natandaan ko ang pangalang ----"
"Vanora.. Vanora Summer.." agad sagot ni Vera sa akin...
"Sabihin mo sa akin ang totoo, sirena ba siya? Isa bang sirena si Vanora?"
" Na alala mo na siya?"
"So isa nga siyang Sirena? Umibig ako sa isang sirena?"
"Akala ko ba hindi ka naniwala sa mga sirena?" usisa sa akin ni Vera..
"Totoo sila.. "
"Nakakita ka ulit ng sirena?" si Vera.
"May dalawang sirena na kinulong ni Miggy sa malaking aquarium sa resthouse nila... May mga edad na sirena.. Babar at lalaki at lumuluha sila ng ginto Vera.. Naawa ako sa kanila.. Inofer sa akin ni Miggy na bigyan niya ako ng dugo ng Sirena para sa ikakagaling ni Papa kapalit ay ang makipagbalikan ako kay Georgia."
"ANO?? Ang salbahe talaga ng mokong na yun.."
"Kailangan kung mahanap si Vanora.. Kaiangan naming iligtas ang dalawang sirena na nasa kamay ni Miggy. "
"What if ereport natin sa mga police.."
"Hawak nila ang mga police sa atin alam mo yan.." sagot ko kay Vera.. .
" So babalik ka na naman sa laot para hanapin si Vanora..?"
" Uu at hindi ko tatanggapin ang alok ni Miggy.. Kailangan kong mahanap si Vanora ,siya ang makakatulong sa akin.."
---
Ilang gabi akong bumabalik sa laot pero kahit anino ng sirena wala akong makita .. Baka naglayasan na sila at pumuntang ibang lugar dahil natatakot sa mga tao.. Ughh! Saan kita hahanapin ngayon Vanora.. Ni mukha mo hindi ko matandaan.. Wala akong isang katiting na ala ala sayo... Ang hirap.
Kababalik ko lang galing laot at nabigla ako ng masalubong ko si Miggy sa labas ng bahay...
"Miggy? Anong ginagawa mo dito, sa ganitong oras?"
"Actually, pauwi na ako Sum, may binisita lang ako.. Goodnight.."
At agad na siyang sumakay sa kanyang sasakyan..
Binisita? Sino naman? Dont tell me nanliligaw siya kay Ate Ellis? No way! Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ko si Pearl na may dalang bulaklak?? WHAT??? Dont tell me?
Nakita din niya ako pero hindi kami nagpansinan.. Galit pa rin ata siya sa nangyari...
---
Hindi ako makatulog .. Mag uumaga na.. Bumangon ako at lumabas ako ng kwarto.. Sakto paglabas ko, lumabas din si Pearl sa kwarto ni Papa.. Dala ang gamit niya.. Di niya ako pinansin.. Ughhh! Hanggang nakalabas na siya ng bahay dala dala yung bulaklak...Grrr ! Bakit ba ako naiinis..
At nang bigla ko nalang siyang hinabol..
"Pearl ! Wait ! " sabay hawak ko sa braso niya.. "Wait." huminto siya at liningun ako .. Tiningnan lang niya ako.. "Uwi kana, hatid kita, di kasi ako makatulog."
"Huwag na . Salamat. Kailangan ko ng umalis." tumalikod siya ..
"Pearl, wait nga muna.. " agad ko siyang hinarang..
"Kulit mo din ah."
"Saan galing yang flowers?" sabay tingin ko sa mga bulaklak ..
"Sa manliligaw."
"Sino?"
"Bakit bha?" sabay tingin niya sa akin..
"Si Miggy bha?"
"Kung siya nga, may problema ba tayo?"
"Pearl, No! Not Miggy! Masama siyang tao."
"Pwede bha Summer at ano bang pakialam mo? Sa pagkaka alam ko hindi kita Ina. .. Amo kita, so pwede bha ." sabay layo niya sa akin..
"Pearl, ano bha!" habol ko na naman sa kanya.. para na akong tanga nito .
"Ano bang problema mo ?"
"Im sorry okay. Im sorry sa nangyari. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Di ko maintindihan.. Nung makita kita parang naging parte ka ng aking nakaraan.. Im so sorry, hindi ko sinasadya.. " sabay labasan ng aking mga luha..
"Summer, okay tama na.. Tama na... Ay naku.. Aga aga iniyakan mo ako... " sabay pahid niya sa mga luha ko na dumadaloy sa aking mukha... "Huwag kang mag alala wala akong balak na sagutin si Miggy at alam ko kung anong klaseng tao siya.."
"Iwasan mo siya.. Ayaw kong mapahamak ka."
"Kaya ko ang sarili ko.. Sige na bumalik kana sa loob ng bahay at matulog para ka ng zombie ."
"Ihatid kita..?"
"Summer sige na .. Alis na ako..matulog kana." agad na siyang tumalikod...
At hindi ko na siya hinabol pa..