Chapter 6

1194 Words
-Summer-  * "Sum, are you okay anak?" si Mama habang kumakain kami ng breakfast. "Di mo ginagalaw pagkain mo?"  "Ahm yeah Ma, okay lang ako.. May iniisip lang?"  "Soo, babalik ka pa ba sa laot para humuli ng imaginary sirena?" pang aasar ni Ate...  "Ellis?" saway ni Mama.. "Sorry."  "Summer, ayuko ng bumabalik ka dun.. Ayukong mapahamak ka anak.. " "Paano si Papa?" sabay tingin ko kay Mama.. "Ipagdasal nalang natin .. Ipasa diyos nalang natin ang lahat.." sagot ni Mama..  "Si Georgia nga pala ?" agad kung tanong.. "Maagang umalis.. Tatawagan ka na lang daw niya.. Kailangan daw siyang makausap ng Daddy niya.." sagot ulit ni Mama at hindi na ako nagsalita pa..  ------- "Totoo sila.. Totoong may Sirena.. Isa siyang sirena.. May sirena.." bulong ko sa aking sarili habang pabalik balik ng lakad sa loob ng opisina.. "Totoo sila.. Napakaganda niya.. Isa siyang Sirena.."  "HOY!!"  "AY SIRENA!!" napasigaw ako sa gulat "Vera ano ba, huwag ka ngang mang gulat , alam mo namang malalim ang iniisip ko.. "Uu malalim nga ang iniisip mo .. Kaya kinakausap mo na sarili mo.. Malala kana baks.. At anong sirena pinagsasabi mo?"  "Vera, totoo sila!!" sabay hawak ko sa magkabilang balikat niya.. "Totoong may sirena." "ANO???"  "Uu , nakita ko siya.. Nakausap.. Napakaganda at hindi ko kayang pumatay ng isang katulad niya.."  "Sum, may sakit ka pa ata, kung ano ano nalang nakikita mo.. Baka nanaginip ka lang.."  "Vera, siya ang sumagip sa akin.. Dalawang beses na niya akong sinagip. And please atin lang ito baks. Ayukong may makaalam na iba.." pakiusap ko kay Vera sabay upo aking upoan.. "Why? Di ba yan ang kailangan mo para mapagaling ang Papa mo.. Kailangan mo ng kumilos bago pa makawala."  "Hindi ko nga kayang pumatay lalo na sa katulad niya and im sure may ibang paraan pa na magamot si Papa at naniwala ako na matutulungan niya ako.. Kailangan ko siyang balikan at kausapin.. Kaibiginanin.. At sinabi niya sa akin kagabi na alam daw niya kung ano ang kailangan ko.." tugon ko kay Vera.. "Summer, natatakot ako para sayo kung totoo man yang mga sinasabi mo.. Hindi natin alam kung anong klaseng nilalang sila at ano ang pwede nilang gawin.."  "Mabait siya Vera.. Nafefeel ko yun, hindi siya masama.. Sinagip nga niya ako diba..?"  "Uu na .. Sige na.. Niwala na ako sayo.. Basta mag ingat ka .. Mag ingat ka Summer.."  "Yes I will.. Thank you Baks.." At lumabas na ng opisina si Vera..  Hindi ako mapakali kailangan ko siyang makausap.. Kailangan ko siyang makit.. Ano bang nangyayari sa akin.. Kailangan ko siyang makita hindi dahil sa gamot ni Papa.. Kailangan ko siyang makita dahil gusto ko siyang makita.. Hindi na siya mawala sa isipan ko.. Hinding hindi na siya mawawala ... ------- Pagkatapos kung mananghalian agad kung tinungo ang yati.. At pinatakbo papunta ng laot.. Walang kasiguraduhan kung magpapakita siya sa akin ngayon.. Tirik ang araw at ang alam ko.. Gabi lang siya pwedeng magpakita.. Bahala na.. Walang mawawala kung susubukan.. Sana magpakita ka sa akin sirena.. Sana!  Dumating na ako sa laot.. Agad akong tumayo sa harapan ng yati.. At tumingin sa paligid.. Hmmm...  "SIRENA , KAILANGAN NATING MAG USAP MAGPAKITA KA? ALAM KUNG ANDITO KA .. KAUSAPIN MO AKO!" sigaw ko na parang tanga lang..   "SIRENA!!!" "Akala ko gabi kalang pumunpunta dito, pati may araw di mo ba pinalampas.." isang magandang boses ang bigla kung narinig .. pero wala akong nakikita. hindi ko siya nakikita .. "Magpakita ka sa akin.. Please?" sagot ko .. "Gusto mo lang makipag usap db? Kailangan paba akong magpakita sayo? Sige na magsalita ka, makikinig at sasagot ako.."  "No. Gusto kitang makita.. Sige na magpakita ka.. Please.." makaawa ko sa kanya sabay tingin sa buong paligid ... "Magpakita ako sayo, tapos ano? Hindi ako pwendeng lumapit? Takot ka pa rin sa akin at alam kung mas natatakot kana sa akin ngayon dahil natuklasan mo na kung ano talaga ako.." sagot ng maganda niyang boses.. "Hindi na ako natatakot sayo. Babalik ba ako dito kung natatakot ako sayo .. Gusto kitang makita.  Kaya please huwag mo na akong pahirapan pa.."  "Gusto mo akong makita dahil may kailangan ka sa akin.. Huwag na.. Mag uusap nalang tayo .. Mas mabuting hindi mo ako makikita.." agad niyang sagot... "Gusto kitang makita dahil hindi ka mawala sa isipan ko... Ano ba kasi ang ginawa mo sa akin? Kaya sige na please magpakita ka na.. " Hindi ko na naririnig ang boses niya.   Hindi na siya sumagot pa... "Sirena? Andito ka pa ba?"  At bigla siyang lumitaw sa ibabaw ng tubig. ..  "Andito na ako ." sabay ngiti niya sa akin.. para akong posteng nanigas ng makita ang napakaganda niyang mukha sa ilalim ng matirik na araw.. mas lalo siyang gumaganda pag may araw..  "Ha-Hi." tipid kung bati sa kanya... "Nakita mo na ako.. So pwede ka ng umalis baka may makakita pa sa atin dito."  "Umakyat ka dito.. Sige na.. Para walang makakita sayo na may buntot ka.." sambit ko sa kanya.. "Hindi pwede.." "Bakit, diba pwede kang magkatawang tao.. Kagaya kagabi?"  "Uu , pero pag gabi lang pwede akong maging tao.. Pero pag may araw hindi pwede.. "  sagot niya... "Ikaw nalang kaya ang bumaba at dun tayo sa gilid ng bato mag usap.. Db gusto mo akong kausapin?"  "Hindi ako marunong lumangoy alam mo yan.."  "Eh di, hahawakan kita para di ka malunod.. Sige na ,bumaba ka na baka may makakita sa akin dito.. Sige na.."  Juskoo parang lumundag puso ko habang nakikinig sa napakalambing niyang boses.. Oh God!  "Sige na.. Halika na..."  "Akala ko ba ,hahayaan mo na ako at hindi na sasagipin pa kung sakaling malunod ako ulit?"  "Ganun ba ako kasama sa paningin mo? Hindi ko hahayaang malunod ka.. Kaya sige ,bumaba kana dito.. Hahawakan kita para di ka malunod.." Agad akong naghubad.. Naka b*a at panty nalang ako at agad bumaba sa tubig..  Agad niyang hinawakan ang kamay ko..  "Humawak ka ng mahigpit sa akin.. Dadalhin kita sa malaking bato.. " sabay ngiti niya..  At agad lumitaw sa harapan namin ang napakalaking bato... "Andito na tayo.. Sige, umakyat kana at maupo.. Dito lang ako.."  At agad kung sinunod ko ang gusto niya. ..  "Hindi kana takot sa akin?"  "Hindi na.. Ano pala ang pangalan mo..?"  "Vanora.  Prinsesa Vanora.."  " Ha? Isa kang prinsesa?" gulat kung usisa sa kanya  ... "Uu isa akong prinsesa sa kaharian namin sa ilalim ng dagat... " "Anong meron sa ilalim ng dagat?"  "Gusto mo bang makita, dadalhin kita dun.." tugon niya sa akin... "Ngayon na ba?" "Uu ... Tayo na?" "Pero?"  "Huwag kang mag alala.. Isa akong Sirena at may kapangyarihan ako.. Sisiguraduhin ko sayo na makakahinga ka sa ilalim ng dagat.. Tayo na.."   Inabot  niya ang kanyang kamay ... humawak ako sa kanya .. At agad lumusob kami sa ilalim ng karagatan...  -------- "Hindi ako makapaniwala sa aking nakita sa ilalim ng dagat.. Akala ko sa tv o movie ko lang makikita .. Pero totoo pala na may buhay ang ilalim ng karagatan at lalong totoo ang kagaya mo.. " sambit ko sa kanya habang nakaupo sa hagdanan ng yati... "Kailangan mo ng umuwi.. Mag gagabi na.. at hinahanap na ako ng Mahal na Reyna.." "Magkikita pa ba tayo?"  "Bakit , babalikan mo pa ba ako?"  "Gusto na kitang makita araw araw Vanora.."  "Umuwi ka na tao.. Hinahanap kana sa inyo.." sagot niya  ... "Summer.. Summer ang pangalan ko. .."  "Summer. Mag ingat ka.. Paalam.. "  At agad na siyang nawala sa paningin ko...  "VANORA BABALIK AKO! BABALIKAN KITA! BABALIKAN KITA!" sigaw ko...at alam kung naririnig niya ako..  Pinaandar ko na ang yati at agad ng umuwi pabalik ng resort, na may dalang malaking ngiti sa aking mga labi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD