-Summer- * "Nakatulog ka naman ng maayos mahal?" "Uu naman mahal kasi kasama kita, kahit nakakapanibago." "So ibig mong sabihin hanggat suot mo yang kwentas hindi ka magiging sirena?" tanong ko kay Pearl pagkatapos naming mag agahan.. "Uu mahal .. kaya huwag kang mag alala sa akin okay lang ako. Ikaw? Ikaw ang inalala ko Sum, paano na ang trabaho mo sa resort? Kailangan ka ng Papa mo." sagot sa akin ni Pearl habang nanunuod kami ng tv sa may sala... "Andun naman si Ate at tsaka si Aliyah." "Sum, wala pa rin akong tiwala kay Aliyah.. Paano kung may plano na naman siya?" pag alala ni Pearl .. "Huwag ka ng mag isip ng masama sa kanya mahal. Wala na siyang gagawin na ikakapahamak nating dalawa.. bigyan natin siya ng chance.. okay? Trust me." sabay dampi ng halik ko sa kanyang noo..

