-Pearl- * Dahan dahan akong bumangon para hindi magising si Sum sa aking tabi. Hayss! Agad akong lumabas sa kwarto at nagpunta sa garden para magpahangin. Hindi ko nakuhang sabihin ni Sum ang totoo kung ano ang pinunta dito ni Perlas kagabi. May sakit si Nanang at kailangan kong umuwi sa kaharian pero di ko alam kung paano ko sasabihin kay Sum. Gusto kung sumama siya pero alam ko na ang isasagot niya. Hindi niya kayang sumama at magiging sirena. ugh! At wala na akong oras baka wala na akong maabutan at hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama kay Nanang. "Pearl?" si Aliyah.. "Aliyah?" "Lalim ata ng iniisip mo ha? May problema bah?" "Wala kana dun.. At pwede bah pagkatapos ng sinabi mo kay Sum sa tingin mo pagkakatiwalaan pa talaga kita?" sagot ko sa kanya.. "Alam ko Pearl

