-Pearl- * "Sum, huwag nalang tayong pupunta? Kinakabahan ako.. Baka may gawing masama si Aliyah.. " habang nag aayos kami ni Sum sa kwarto niya . "Mahal ko, hindi niya tayo magagalaw, hindi niya tayo kaya at ano naman ang gagawin niya sa atin? Kaya ikaw huwag ka ng kabahan .. Andito ako.. At hindi ako papayag na may gawing masama sa atin si Aliyah.. Okay?" Tumango nalang ako kay Sum.. pero hindi ako mapakali .. Uu , binura ko sa kanyang ala ala ang nakita niya na naging sirena ako.. wala na siyang ma alala tungkol dun pero nasa kany pa rin ng kwentas.. Hayss! Sana wala siyang gagawin.. Sana hindi niya sisirain ang napakaspesyal na araw nito sa kanya.. At may tiwala ako kay Sum.. Hindi siya papayag na may mangyaring hindi maganda. Hindi siya papayag.. -- Dumating na kami sa party .

