Chapter 17

1155 Words
-Pearl- * "Nagbalik siya Pearl. Nakita mo yun? Si Vanora. Hindi ako makapaniwala na totoo siya.. Pearl si Vanora.. " sabay hawak ni Sum sa magkabilang balikat ko... Natulala ako sa nangayari. Sino ang sirena na yun? Hindi ko maaninag ang mukha niya pero sigurado ako hindi si Vanora yun kasi ako ang Vanora.. Ako ang totoong Vanora. "Gosh! Ang saya ko Pearl. Sa wakas malalaman ko din lahat kung ano nangyari sa nakaraan ko." patuloy ni Sum.. Tiningnan ko lang siya. .. Gusto ko ng sabihin na ako si Vanora.. Ako! Pero hindi pwede.. Lalo lang siyang maguluhan at baka magkagulo pa... Kailangan kung malaman kung sino ang Sirena na yun na nagpanggap na ako.. Kailangan ko itong malaman... --- "Lalim ata ng iniisip mo?" biglang pasok  ni  Aliyah sa clinic...buti nalang umuwi na si Summer baka magbabangayan na naman tong dalawa..  "Gising ka pa?" "Di ako makatulog eh."  "Ganun bha?" at yumuko ako ulit. "Lalim ata ng iniisip mo ? Something wrong?"  "Nagpunta kami sa laot.. At nagulat ako kasi may isang sirena na nagpakita at nagpakilalang si Vanora Aliyah... Naguluhan ako kung sino siya." "Really?? May nagpapanggap na ikaw?"  "Uu.." tipid kung sagot.. "Hindi ko nakilala?" "Madilim masyado di ko siya naaninag. "  Natahaimik si Aliyah.. Sabay titig sa akin.. "Nag alala ako ngayon baka maniwala si Sum na siya talaga si Vanora.. Baka may masama siyang balak Aliyah at ayukong mapahamak si Sum."  "Mahal mo talaga siya." tugon ni Aliyah sa akin sabay tingin ko sa kanya.. "Sobra!"  "Huwag kang mag alala kasi kung ikaw talga ang mahal ni Summer hindi siya magpapadala sa fake na mermaid na yun. Kaya ikaw, wag ka ng mag isip na kung ano-ano.. Nakakapangit!!" sabay haplos ni Aliyah sa buhok ko.. "Smile na."  "Salamat."  "Gusto mo bang samahan kita sa laot ngayon baka magpakita ulit ang peke na sirena at makausap mo siya." alok niya sa akin.. "Pwede bha?"  "Yes why not. so lets go?"  Tumango ako at lumabas na kami ng clinic.. sumakay kami sa isang yati at agad itong pinatakbo ni Aliyah..  Lakint gulat namin nang pagdating sa laot.. May isang yati na nakatambay na dun at hindi ako pwedeng magkamali.. kay Summer na yati yun.. "Uh-uh parang hindi umuwi ng bahay ang kapatid ko ha? Naunahan pa tayo dito." "Bumalik siya nang di man lang sinabi sa akin?" tugon ko kay Aliyah.. "So ano? Tutuloy paba tayo? Oh babalik nalang while hindi pa niya tayo napansin?"  "Ilapit mo sa yati niya.. "  Utos ko kay Aliyah at agad niyang nilapitan ang yati ni Summer.. At agad namin siyang nakita na nakatalikod habang may kausap na babae sa tabi niya.. Ito na kaya ang sirena na nakita namin kanina.. Ang impostor na sirena..  Lumingon si Summer at agad siyang napatayu nang makita kami at agad namang lumusong ang sirenang impostor sa tubig... "Tayo na Aliyah."  Sambit ko.. Tinitigan ko lang ng matalim si Summer..  "Pearl wait!! Pearl!"  Tawag ni Summer at hindi ko siya pinakinggan pa..  Bumalik na kami sa resort.. Galit ako kay Summer.. Agad siyang nagpadala sa sirena na yun..  "Okay ka lang?" "Uu okay lang ako.. Sige na umuwi kana at magpahinga.. Uuwi na rin ako maya maya."  "Okay. Basta andito lang ako pag kailangan mo ng kausap.."  Yinakap ako ni Aliyah at agad na siyang lumabas ng clinic pagkatapos.. naiwan akong mag isa.. Napaluha ako kasi nasasaktan ako.. Ughh!!  Sinong sumabutahe sa akin?? Walang ibang nakakaalam sa pagiging Vanora ko, si Perlas lang at si Aliyah!  Hindi magagawa ni Aliyah sa akin to lalo na si Perlas... Naguguluhan ako!!  --- "Pearl?" biglang dating ni Summer. "Ano ang ginagawa mo dito?"  "Im so sorry Pearl! Sana maintindihan mo ako... Kailangan kung makausap si Vanora nang mag isa at ngayon nalaman ko na ang lahat! Nagmahalan kami nuon Pearl.. Nahihirapan ako kasi mahal pa niya ako at humingi siya ng tawad sa nagawa niya sa akin.. "  Hindi ako makapaniwala sa aking narinig!!! "At naniwala ka naman Sum? Niloloko ka lang ng sirena na yun?" "Pearl, totoo siya.. Sinabi niya sa akin ang lahat at natandaan ko na mukha niya..  Pinaalala na niya sa akin ang lahat.. Dalawang beses niya akong sinagip nuon! Dinala niya ako sa kalaliman ng karagatan.. Pearl, nagbalik na si Vanora!! Sobrang saya ko!" di maputol ang ngiti  ni Summer..  "At huwag mong sabihin na nagbalik ang pagmamahal mo sa kanya?" tugon ko kay Sum sabay kabog ng dibdib ko.. May tumraydor sa akin na pati mukha ko binura niya sa alaala ni Summer.. Hindi ito maaari!! "Kailangan niya ang tulong ko ngayon Pearl.. Wala na ang pamilya niya.. Sinugod ito ng mga malalaking pating at pinatay halos lahat na nakatira sa kanilang kaharian!" Muntikan na akong mahulog sa aking kinauupuan.. Isang malaking kasinungalingan!! Dinamay pa pati pamilya ko!!  "Mahal mo na siya ulit?" "Naawa ako sa kanya.  Kailangan niya ako ngayon Pearl" "Mahal mo?"  "Pagod na ako.. mag uusap tayo bukas Pearl.. "at agad siyang lumabas sa clinic.. Napaluha ako.. Hindi ako makapaniwala na may tumraydor sa akin!! Sino? Si Miggy? Si Georgia? Wala na sila dito... Kung si Aliyah? tinulungan nga niya ako at hindi magagawa ito ni Perlas. Hayss!! --- "Excited na akong makilala ang mga magulang kong sirena Pearl! Nakakalungkot lang kasi hindi ko na magawa na magkaroon ng buntot ng sirena!"  "Matutulungan ka nila para maibalik ka sa dati Aliyah!" sambit ko sa kanya nang magkausap kami kinabukasan.. Wala na naman kasi si Summer .. Im sure nasa laot na naman yun..  "Sana nga! Pero atin lang to Pearl ha? Walang sino man ang makakaalam sa tunay kung katauhan esp. ang family ko.." si Aliyah.. "Makakaasa ka Aliyah." "So , nagkausap na kayo ni Summer?"  "Ayuko munang isipin ang mga bagay na yan Aliyah.. Kasi nasasaktan ako.. At feeling ko kasalanan ko ang lahat!"  "Huwag mong sisihin ang sarili mo.. Pag makabalik na ako sa pagigng sirena! Uuwi na tayo sa ilalim ng karagatan at hinding hindi na tayo babalik pa sa mundo ng mga tao!"  Hindi ako nagsalita.. Napaluha ako at agad akong yinakap ni Aliyah.. Ano nalang kayang gagawin ko kung hindi dumating si Aliyah.. Hayss Summer ! Kung ano man ang mangyari sa atin, pagsisihan ko ang lahat kung bakit pinakawalan pa kita.  "Anong ibig sabihin nito?" biglang sulpot ni Summer habang nagyakapan kami ni Aliyah..  "Sum?"  "Ano to? Pag wala ako , si Aliyah kalandian mo."  "Ano?" tugon ko.. "Ha ha ha Summer, wala kang pakialam kung ano ang ginagawa namin ni Pearl. Asan ka sa mga panahon na kailangan ka niya? Andun ka sa sirena mo!! Masisisi mo ba siya kung ibaling niya ang pansin sa akin?"  Napatingin ako kay Aliyah.. Sa mga sinasabi niya kay Summer.. Mas gumulo ang sitwasyon.. "Really Aliyah? Eh di magsama kayong dalawa!!!!! " at agad lumabas ng clinic si Summer...  "Sum, Summer?"  Hinabol ko siya...  "Summer?" agad kung nahawakan ang kanyang braso.. "What??"  "Mali ang iniisip mo , pinakalma lang niya ako dahil umiiyak ako , yun lang! Mali ang akala ko Sum.."  "Talaga Pearl? You know what, mabuti na siguro na ibaling mo ang tingin kay Aliyah, kasi sa totoo lang naguguluhan ako ngayon eh!! Sobrang g**o ng utak ko ngayon and please huwag mo ng dagdagan pa!"  "Summer?" "Bumalik ka na sa trabaho mo!"  Tumalikod na si Sum .. Napahawak nalang ako sa aking noo.. Hindi ko na siya hinabol pa... Kasalanan ko to eh! Kasalanan ko ang lahat ng ito... Hayssss!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD