-Summer-
*
"May iba na ba ha Sum?" si Georgia.. ughh!
"Pwede ba Georg, wala o meron wala ka ng pakialam.. "
"Wala na ba talaga ako sayo? Kinalimutan mo lahat sa atin sa isa ko lang mali? Pinagsisihan ko na yun lahat Sum, nagkamali ako , aminado ako dun kaya please bumalik ka na sa akin."
"Georg, wala na .. At hindi na kita babalikan pa. Hindi na kita mahal okay? Ilang beses kung uulitin sayo na wala na.. Wala na Georgia kaya pwede ba?" matigas na boses ko.. "Please .. umalis kana,"
"Pagmalaman ko lang na may iba ka.. Humanda ka sa akin.. Hindi kayo magiging saya.. Hindi.. Sisiguraduhin ko yan.." at agad siyang lumabas ng bahay.. Napaupo nalang ako sa may sofa.. Haysss !
Si Pearl. Agad naman akong napangiti.. Tagal naman gumabi. Gusto ko na siyang makita.
"Summer, mag usap nga tayo.." ang hinding maipintang mukha ni Ate Elis.. "Hanggang kailan mo uunahin ang sarili mo kaysa kay Papa ha? Hindi ka ba naawa sa kalagayan niya. Ilang taon na siyang naghihirap.. Si Mama hindi ka ba naawa sa kanya.. Puro nalang ba sarili mo ang uunahin mo.. Ganyan ka na ba ka selfish?"
"Woohhh ano bang pinagsasabi mo?"
"Sum, may gamot na, bakit pinalampas mo.pa dahil hindi mo na mahal si Georgia? Gosh! Pakisamahan mo lang ng maayos ang tao mahal mo man o hindi. Ang importante makakuha ka ng dugo ng sirena .. Sum, maawa ka sa parents natin.. Please maawa ka."
Hindi ako nakapagsalita..
"Summer , para kay Mama.. Ayaw mo bang makitang maging masaya siya at si Papa , miss na natin siya db?" sabay hawak ni Ate sa kamay ko.. napatingin ako sa kanya.. "Please Sum.."
Hindi ako nakakibo.. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon.. Naguguluhan ako..
"Please!" si Ate.. dinampian niya ng halik ang noo ko at tumalikod na sa akin..
Ughh!!!
---
"Lalim ng iniisip mo ha? May problema bah?" si Pearl nang nilapitan niya akong nakatayu sa labas ng bahay..
"Babalikan ko si Georgia para sa ikakabuti ng lahat.. Hindi ako titigilan ng family ko kung hindi ko tatanggapin ang alok ni Miggy.. Im so sorry." sabay lingon ko kay Pearl..
"Kung may magagawa lang ako Sum, pero wala. Sino ako para pigilan ka.. At kahit anong gawin ko o isipin wala akong maitutulong sayo."
"Im so sorry!"
At bigla kung yinakap si Pearl...at yinakap din niya ako ng mahigpit ..
"Gagawin ko lang to para kay Papa.. Ikaw ang gusto ko Pearl. Ikaw ang gusto ko at hindi si Georgia." sambit ko habang nagyayakapan kaming dalawa..
"Minsan kailangan nating magsakripisyo para sa ikakabuti ng lahat .. " sagot ni Pearl sa akin at nagkatinginan kaming dalawa..
"Kung gagaling na ba si Papa .. Hindi na kita makikita?" tanong ko kay Pearl at tumango siya..sabay labasan ng kanyang mga luha.. "Hayss ang hirap! Gagaling na si Papa pero ikaw naman ang mawawala sa akin.. Hindi ba ako pwedeng maging masaya?"
"Sum, mawala man ako sa paningin mo.. Andito lang ako sa puso mo.." sabay hawak niya sa dibdib ko.. "Andito lang ako." tugon ni Pearl sa akin at yinakap ko siya ulit ng mahigpit.. "Sum, gusto kung makita ang dalawang sirena na hawak ni Miggy. ta gusto kung palayain niya ang mga ito.. "
"Gagawa ako ng paraan."
"Salamat. "
---
Kinabukasan pagdating ni Pearl sa bahay dinala ko siya sa meeting place namin ni Miggy.. Sa resthouse nila para makita niya ang mga sirena..
"Buti at sumama ka kay Summer magandang binibini.. Tuloy kayo at naghihintay na sa inyu ang mga alaga ko.. " si Miggy.. Napaka salabahe talaga.. Sarap sakalin.. Nagkatinginan nalang kami ni Pearl..
Nang makapasok na kami sa ilalim.. Pinakita agad ni Miggy sa akin ang dugo na nakuha niya sa dalawang sirena..
"Paano ako makakasiguro na dugo talaga yan ng mga sirena?" tanong ko sa kanya..
"Tingnan mo sila.. Matamlay .. May sugat sa braso kasi diyan namin tinusok ang malaking karayom para sa pagkuha ng kanilang dugo.. See, fresh na fresh Sum.. " sabay abot ni miggy sa akin ng bag ng dugo ng mga sirena..
"Pearl, nagustuhan mo ba ang nakikita mo? Totoong mga sirena mahal kung binibini.." sambit ni Miggy kay Pearl na nakatayo malapit sa aquarium at pinagmamasdan ang matamlay na mga sirena.. Na para bang kinakausap siya ng mga ito...
"Pakawalan mo sila.." biglang sambit ni Pearl.
"Hindi ko yan magagawa .. Im so sorry .. Its a big No No!"
Nakikinig lang ako sa dalawa..
"Pakawalan mo sila at pagsisilbihan kita." biglang sambit ni Pearl..
Natigilan si Miggy..
"Pearl?" nagulat ako sa sinabi ni Pearl.
"Uu narinig mo ang sinabi ko Miggy.. Pakawalan mo sila."
"Owh- Owh!" si Miggy.. "Ha ha ha Pearl, pang kama ka lang , sila? sila ang nagpapayaman sa akin..soo im soo sorry.. Its a big No No!"
"Pearl, halika na.."
"So paano ba yan? Okay na tayo Sum, Nasa bahay niyo na si Georgia at simula ngayon sa inyu na siya titira..."
Hindi na ako kumibo.. Hinila ko si Pearl palabas ng resthouse at agad umalis..
"Nababaliw ka na ba?" pasigaw kung sambit sa kanya nang ihinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada..
"Kung yun lang ang paraan para pakawalan niya ang mga sirena.. Gagawin ko.. "
"Ipapahamak mo ang sarili mo para sa mga sirena.. Pearl? Paano ako?"
Napatingin si Pearl sa akin..
"Walang tayo Sum, nakatali kana kay Georgia.. At buong buhay siyang matatali sayo kapalit ng kaligayahan ng iyong pamilya.."
"Pearl, gusto ko ring maging masaya .. At ikaw, ikaw ang nagpapasaya sa akin ."
"Sum, wala na tayong magagawa.."
"MAHAL KITA .. Yes Pearl, mahal kita."
"Sum, wala akong laban sa pamilya mo lalo na sa ikakabuti ng iyong ama.. Tanggapin nalang natin na walang magiging tayo.. Walang magiging tayo .."
Hinila ko ang mukha ni Pearl at sinalubong ng mga labi ko ang mga labi niya.. "Mahal kita." bulong ko sa kanya habang magkadikit ang mga noo naming dalawa..
"Nasa puso mo lang ako at nasa puso din kiya Sum at kahit anong mangyari ipangako mo sa akin na hinding hindi mo ako makakalimutan .."
"Pearl.."
At agad kaming nagyakapan na dalawa...
---
Agad isinalin ng doktor ang dugo kay Papa... Hindi maipinta ang saya ng mukha ni Mama at ni Ate habang ginagawa ang proseso .. .
Humawak naman sa kamay ko si Georgia at nakatayu lang sa gilid si Pearl habang nagsusulyapan kami sa isat isa..
Natapos na ang proseso .. At makalipas ang ilang oras.. Gumising si Papa.. Isang himala.. Parang magic ang nangyari.. Nawala ang sakit niya.. Naging okay ang pakiramdam niya sa isang iglap lang ..
Agad siyang yinakap ni Mama.. at ni Ate..
"Summer?" tawag ni Papa..
"Papa.." at agad ko siyang yinakap..
"Patawarin mo ako anak.. Please forgive me.."
Bigla akong napatingin kay Papa sa sinabi niya ...
"Pa? Wala kang kasalanan.. "
"Malaki ang kasalanan ko sayo anak.. Sana mapatawad mo ako pagdating ng panahon.. Im so sorry.."
"Pa, nagutum kaba? Ipaghanda ka namin ng pagkain.."
"Gilberto ,honey.."
Lumapit si Mama kaya tumayo ako.. Bigla akong naguluhan . .. Napatingin ako kay Pearl na parang narinig niya ang sinabi ni Papa.. Baka nanaginip lang si Papa siguro na may masama siyang nagawa sa akin o ano..
"Baby are you okay, magpahinga na siguro na tayo?" si Georgia..
" Mauna na kana sa kwarto at susunod ako."
"Okayy. Sumunod ka agad ha?" at tumalikod na si Georgia..
" Salamat Sum .. " si Mama.. at ngumiti lang ako .
Nilingon ko si Pearl pero hindi ko na siya nakita.. Wala na siya sa kwarto ni Papa.. Kaya agad akong lumabas at nakita kung papalayo na si Pearl.. Hinabol ko siya.. Pero bigla nalang siyang nawala sa may dalampasigan..
"PEARL??" tawag ko... "PEARL?" tawag ko ulit pero wala.. wala na si Pearl..
Napaupo ako sa buhangin ..at Napahagulgul nalang ng iyak..