Chapter 30 : Red Gem Stone Luna POV Napatingin kami ni Leo sa sinabi ni Kristal. Maging sila pala ay napansin iyon. Akala ko ay ako lang ang nakakita noon. 'Yun pala ay nakikita rin nila ang pulang bagay na nasa dibdib ng kalaban naming anino. "Hindi kaya dyan siya kumukuha ng lakas?" sabi ni Kristal. "Parang katulad kay Hilda?" tanong ko naman dahil ganito rin naman ang nangyari noong kinalaban namin si Hilda. "Hindi natin malalaman kung hindi natin titignan," sabi naman ni Leo at handa na sana umatakeng muli si Leo pero bumuga naman ng asido yung anino. Dahil sa aming pagkabigla ay hindi kami agad nakakilos. Patingin namin ay hindi kami natatamaan ng asido na gawa ng anino. Bagkus isang puting barrier ang nakita naming tatlo kaya hindi kami natamaan ng asido na gawa ng anino. Napa

