Luna POV "Sigurado ka na ba Adelyn?" tanong ko sa kanya dahil sa pagpresinta nito. "Pwede naman kami na lang ang sumunod sa kanya," sabi naman ni Kristal kay Adelyn habang katabi niya ito sa kama. "Gusto ko makatulong sa inyo. Saka mas mabilis kung tutulungan ko kayo. Mabibigyan ko pa kayo ng oras para maghanda," sagot sa amin ni Adelyn. Kinabukasan kasi ay nagpresinta si Adelyn na tulungan kami sa pagsunod kay Miss Wilma. Nalaman rin namin na sinasama siya ni Miss Wilma kapag may panibagong biktima silang nakita. Pero hindi doon sa mismong kuta ng mga dark shadow. "Natatakot rin naman ako pero ito lang ang magagawa ko para matulungan kayo. Ako lang ang pwedeng makalapit sa kanya ng malapitan na hindi agad siya naghihinala," sabi sa amin ni Adelyn. "Kaya please hayaan niyo na akong tu

