Third Person POV “Handa na kami,” sabi ni Haring Felix sa isipan ni Morgan gamit ang mind link. Sinabihan naman ni Morgan sina Headmaster Grim, Axter, Heneral Araval, Antonette , Kristal, Smith, Henry at Hezreal na kasalukuyang nakikipaglaban kay Lucius. At maging si Luna at Leo gamit ang mind link. Napatakip silang lahat ng may nakakasilaw na dilaw na liwanag ang nanggaling sa mga hari. Nagtagumpay sila upang mapalabas ang silver chain na nasa katawan nila. Hinahanap na ng silver chain ang enerhiya na nagmumula ay Lucius. “Aaaaarrrrrgh!!!!” Kasabay ng pagkawala ng liwanag ay siya ding kasabay ng nakakabinging sigaw ni Lucius. Dahil nakaugnay na ang silver chain sa iba't ibang parte ng katawang ginamit ni Lucius, ang katawan ni Kelly. Bumabaon ito sa katawan ng kanyang ginamit.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


