Chapter 28 : Dark Shadow Luna POV "Maghiwalay tayo para ma-corner natin siya," sabi sa amin ni Leo at napatango naman kami ni Kristal sa sinabi niya. May namataan kasi na dark shadow si Leo habang kinakausap ko yung babaeng kaklase namin dito sa school na ito. Pero nag-iisa lang naman ang dark shadow na iyon. Para siyang anino na nagpagala-gala dito sa loob ng campus. Kasalukuyan namin siyang hinahabol ngayon. Napakaliksi niya kumpara sa ibang mga dark shadow kaya panay habol lang kami sa kanya. Nagtataka nga rin ako dahil bakit hindi humihinto ang oras ngayon. Dapat kasi ay hihinto ito dahil may dark shadow dito ngayon. Nakita ko na pumasok siya sa may puno kaya naman kinuha ko ang dagger ko at ibinato ko iyon sa may puno. Alam kong natamaan ko iyon dahil parang nagwawala yung anino

