"Ang ganda ng smile ni Papa." ani Magda puna nito sa ama na panay ang smile habang nakain sila ng hapunan ng sabay-sabay kasama ang mga apo-apo. "S'yempre nakita ko ulit ang mga anak kong nag pasakit ng ulo sa mahal ko." wika naman ni Lucas na nginitian si Pipay. "Mommy, happy ba kayo kasi kasama n'yo ako ngayon?" "S'yempre naman kahit nag menopause na ako sa inyo ng Kuya Luzi mo masaya ako na kompleto tayo ngayon." wika naman ni Pipay. "Mommy, hindi tayo kompleto wala si Tarzan." wika ni Saitan sabay lingon kay Beauty. "Asan ba ang asawa mo?" biglang tanong ni Pipay ng maalala nga bigla ang asawa ng anak. "Sumipit sa puwet yung bagin kaya hindi naka baba sa puno." muntik ng maibuga ni Pipay ang kinakain habang ang iba naman ay natawa na lang tapos ang seryoso pa ni Beauty ng sabihi

