"Sigurado ka bang kaya mo?" natatawang tanong ni Luzi habang tumutulong si Barbie sa pag aayos ng mga dedehin ng mga bagong anak na kambing. "Oo naman ano naman akala mo sa akin mahinang nilalang." "You used to feed all of them before." turo ni Luzi sa lahat ng hayop na nasa station 4. Napatingin naman si Barbie sa lawak ng station 4 na parang hindi pa ito makapaniwala. "Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi mo kaya?" "Kaya basta ba uulitin natin yung ginawa natin kagabi." wika pa ni Barbie na malakas naman na tinawanan ni Luzi sana lang lagi na lang sila ganito kasaya na parang walang problema. Kung puwede lang na sana wag na maalala ni Barbie ang lahat na pangit na dahilan kung bakit bigla nalimutan nito lahat ng masasakit na alala. "Kung ano-ano nanaman yan laman ng isip mo. Tara na

