"Anong problema?" tanong n'ya sa katulong sa Thai language ng makitang may kausap na pulis ang mga magulang. Na sinagot naman nito na hinahanap daw si Luzifer. Agad n'yang ibinilin sa yaya ang anak at agad na bumaba para humarap sa mga pulis. Ayun sa mga ito na may naka recieve daw ang mga ito ng missing report galing sa nobya ni Aron na may iniwan daw na video record na nag sasabi na kapag hindi ito nakatawag o nakipag kita sa nobya nito sa loob ng dalawang araw may dalawa daw na dahilan. It's either daw na patay na ito o naka kulong sa isang lugar na walang nakaka-alam kundi si Luzifer Brichmore. Bakit gumawa ng ganun video si Aron ibig sabihin alam nito na darating ang araw na mahuhuli ito ni Luzi kaya nag sigurado na. Iniimbita si Luzi sa police station para mag paliwanag dahil may n

