"Jia Margareth!salamat at ok na kayo ni lola kahit paano nabawasan ang stressed niya sa buhay..
"Kung ok na sila ni lola sa akin hindi!
"Camille ano ka ba pinsan natin siya.'Anak siya ng kapatid ni daddy."
"Im sorry,i dont like her!Inagaw niya si Aldwin sa akin,kaya pala ayaw na makipagbalikan ni Aldwin sa akin dahil nand'yan siya..Hindi kayo magkakatuluyan Jia,tandaan mo yan!
"Camille wait,mag usap tayo,Jia maiwan muna kita.
"Ok lang kuya Gabriel,sundan mo na siya baka may balak siyang gawin.
Tumakbo papuntang kwarto ni Aldwin si Camille,may namuong plano sa isip niya,itatakas niya si Aldwin,dalhin niya ito sa America upang doon na titira at mamuhay kasama ang lalaki.
"Tamang tama walang bantay,kailangan kitang maitakas Aldwin,akin ka lang akin!
"Camille anong ginagawa mo?"Kuya tulungan mo nalang ako bago dumating sila Tita at tito..
"Nababaliw kana ba?darating na din sila lola dito kasama sila mom and dad!
"Pag hindi mo ako tutulungan na buhatin siya sa welchair dito mismo ako magpakamatay!
"No Camille please makinig ka sa kuya mo!
"no kuya,kaya tulungan mo na ako.Ang tagal kong gusto na maging kami ulit,pero ano dumating lang yang pinsan natin na yan,wala na nagulo na lahat.
"Ikaw lang naman ang nagpapagulo Camille at hindi ako!"At nagpakita kapa dito?
"Bitiwan mo yang kamay ni Aldwin na may dextrose 'wag mo hilain,tulog pa yang tao ano ang balak mong gawin?
"Itatakas ko siya at gusto ko walang mangialam sainyo!
"Hindi kita papayagan Camille,may sakit yang tao kailangan niyang magamot!
"Pwes kung hindi ko siya maalis sa lugar na ito,isa sa atin ang mamatay Jia!
"Camille no!stop it!"Kuya,umalis ka d'yan kung hindi ikaw matatamaan nitong bala!
"No Camille please listen to me!Kung mapatay mo si Jia, mabubulok ka sa kulungan,hindi matutuwa si daddy at mommy!
."Bakit kuya,dahil mahal nila ako?lalo na si mommy?Kuya alam ko na ang lahat!
"Anak lang ako ni daddy sa labas,kaya pala hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal ni mommy at ikaw alam mo din di ba?Bakit mo nilihim sa akin!
"Camille kapatid parin naman kita ah,sa ka paring Fajardo.Anak ako ni daddy at anak ka din niya hindi ka anak ni mommy pero tanggap ka n'ya.Tama na please!!!
Gumalaw si Aldwin at unti-unting dinilat ang mga mata..'Jia,where are you?anong nagyayari dito?Camille bakit ka may baril?
"Aldwin lets go sama kana sa akin,lalayo tayo."Lalayo?saan tayo pupunta?Diba mahal mo ako at mahal din kita sama kana sa akin please!
"At saan mo dadalhin ang anak ko!"Tito gusto ko lang naman na makasama si Aldwin.
"Bitiwan mo yang hawak mong baril!
"Tito please gustong gusto ko si Aldwin,payagan nyo na kami.
"Anak,akin na yang baril bigay mo na sa akin.
"No dad,kailangan ko ito!Daddy lumayo ka kung ayaw mong masaktan!
"Ganyan na ba katigas ang ulo mo?Pagkatapos kitang alagaan at tunuring na tunay na anak?
"Bakit mom tinuring mo nga ba akong anak?Bakit hindi ko naramdaman!.
Naghahanap ng pagkakataon si Aldwin para maagaw kay Camille ang baril,unti-unti siyang bumangon baka puputok ito at kung sino ang matatamaan dahil nakakasa na ito..Nang bumaling ito sa kanya kunyari siyang pumikit ulit para hindi siya mahalata.
"Aldwin sama ka na sa akin,'wag kana ulit matulog.Bumangon kana!
"No,give me that gun!"Camille alam ko na ang lahat,naalala ko na!Hindi ikaw ang girlfriend ko matagal na tayong hiwalay,si Jia siya ang girlfriend ko kaya akin na yang baril!
At biglang pumutok ang baril tinamaan si Camille sa balikat lang naman,kaya agad siyang natumba.To the rescue naman ang kuya niya at kasalukuyan siyang ginagamot ni J.
"Pasalamat ka Camille at pinsan kita kung hindi...
"Kung hindi ano,pabayaan mo ako?
" Malayo sa bituka yan J.."
Alam ko malayo sa bituka,pero sa kulungan parin ang bagsak mo.
"Bakit J nakakasiguro ka ba na sa kulungan ang bagsak ko na ngayon palang ay sasaksakin ko ang sarili ko nitong hawak kong matulis na gunting at ikaw ang magiging suspect dahil dalawa lang tayo dito!!
"Haha,mag isip ka nga Camille!Tingnan mo nga ang paligid may mga Cctv camera po dito.Baka nakalimutan mo ospital ito!
Hindi nakaimik si Camille at nag-isip.Kung ano man ang binabalak mo wag mo na ituloy Camille ikaw lang din masasaktan.
"Mahal ka ng mga taong nakapaligid sayo bakit ang layo mo sa kanila,saka pwede tayo maging close,we're cousin right?Alam mo ba cool akong kasama at palakaibigan,bakit ayaw mo subukan na kilalanin ako.Fajardo din ako kaya magkasundo tayo..
"Manahimik ka Jia,sumasakit tainga ko sa kadada mo!
Lumipas ang ilang araw,naging ok na din ang lahat pero si Camille hindi ito umiimik.Laging nasa tabi lang ni lola Esperanza si Jia.Ang lolo naman ni J ay magaling na..Nakipagkwentuhan na ito sa lolo din ni J na ama ng daddy niya.
Masaya ang lahat at nagkakasundo na..
"Jia....
"Aldwin? Bakit ka bumangon at lumabas sa kwarto mo?Hindi ka na kasi bumalik doon kahapon pa,kaya lumabas na ako..
Ok ka lang ba?" yeah im ok,ikaw?
"Naku,wala naman akong sakit nawalan lang ako ng malay noong isang araw.
"Maiwan muna namin kayo J at Aldwin mag-usap muna kayo..
"Sige po lola.."Ayusin ko nalang din ang bills ng lolo mo dito sa hospital hija,kami na bahala...Salamat po lolo at lola,ok lang naman na ako na mamaya..
"Hija ok na ang lola mo,para makauwe na tayo pagkatapos ninyo mag-usap ni Aldwin.
"At kami naman ni Lyn apo lalabas muna gusto ko magpahangin sa labas alas kwatro na din ng hapon..
"Teka,plano nyo po ba ito?Tumatawa nalang silang lahat na lumalabas,naiwan si Aldwin at Jia sa kwarto ng lolo niya sa hospital.
"Jia,iniiwasan mo ba ako?
"Iniiwasan?naku hindi!Bakit naman kita iiwasan,natutuwa ako at naalala mo na ang lahat!
"Nakalimutan ko man ang lahat pero hindi ikaw Jia,dahil lagi ka nasa puso ko..At ang gusto ko ang makasal na tayo sa madaling panahon!
"Ang bilis naman Aldwin baka nakalimutan mo iniwan mo ako dito sa Pilipinas at ni pangangamusta wala!
"Hahaha,paano nga kita maalala na amnesia ako.
"Akala ko ba nasa puso mo ako at hindi mo ako nakalimutan!
"Ikaw talaga Jia Margareth,please pakasal na tayo?
"Papayag po ako dahil mahal na mahal kita Aldwin.
"Halika nga dito namiss kita ng subra mahal ko ..
At niyakap ng mahigpit ni Aldwin si J saka hinalikan sa mga labi nito..
"Sana maging ok na ang lahat at tanggap na ni Camille na maging tayo...
"Don't worry Jia,tanggap ko na na hindi talaga kami ni Aldwin, at sorry sa lahat..
"Camille kanina ka pa ba d'yan?
"Oo ang drama nyong dalawa!
"Camille sorry ha,mahal ko lang talaga ang mokong na ito eh...
"Ok lang yan Jia,babalik na kami nila daddy sa U.S sana ok na tayo pinsan?
"oo naman pinsan,salamat at ok na tayo..Cousin tayo Camille kaya maging ok tayo..
" Oo kayo na magpinsan!!
"Camille thank you!"
"Aldwin sorry pinahirapan ko pa kayo at naging kontrabida ako sa buhay ninyo.Sorry talaga .
"Kalimutan na natin ang lahat,nakalipas na e.Basta ba pagkasal namin ni Jia aatend ka ha..
"Oo naman,cousin ko kaya ang ikakasal..
Lumipas ang isang taon ay ikinasal na din si J at Aldwin..Masaya ang lahat at nagkakasundo..Nag honeymoon sa Europe ang newly
wed..Si Aldwin ay sa kumpanya na nila nagtatrabaho at si J lalong sumikat na doctor sa pinagtrabahuan niya.Nagkaroon na din sila ng isang anak na lalaki na ang pangalan ay Jian Alden..Masayang nagsama ang dalawa kasama ang lolo ni J at ang nag aalaga dito na si Lyn,Nadagdagan pa ng napakacute na bata ang anak nila....Nakatira na sila ngayon sa sarili nilang mansyon sa Ayala Alabang na siyang regalong ama ni Aldwin sa kanilang mag asawa at lahat naman ng gamit sa loob ng mansyon ay regalo ng lolo at lola ni Jia sila Donya Esperanza.Naging magaan ang pamumuhay nila at masayang magkasama na kailan man ay wala nang hahadlang pa...
WAKAS!!!!!!!!!!