THIRD PERSON'S POV CHAPTER 13: Blue Colored Flower Napatingin sa kanya si Ria. “Ibang lenggwahe ulit ang sinasabi mo. Kakaiba ka talaga, Apricot. Pakiramdam ko ikaw ang magiging bayani namin dito pagdating ng panahon,” biro ng dalaga sa kanya. Napailing na lang si Apricot saka binalingan si Umi. “Ikaw, nahihiya ka pa rin ba sa ‘kin ngayon? Dahil ba hindi mo tinuro ang amo mo sa harap ng mga gwardya at nung tagapamahala ng kaayusan?” sita niya rito, may halong irita pa rin sa kanya kapag naaalala niyang nagmukha siyang tanga nung araw na ‘yon pero nangingibabaw lang ang awa niya para sa mga alipin din na kagaya niya. “Naku, Apricot, pagpasensyahan mo na si Umi.” Sagot ni Alo. “Natatakot lang kasi siya.” “Oo nga, kahit sino naman,” bumuntong hininga si Ria. “Ako rin siguro hindi magl

