CHAPTER 4: WHERE'S THE ENDING?
Inalala ko ang eksaktong nangyari kagabi kung kailan unang beses kong nakilala at nakita ang babaeng nagmamay- ari ng bookshop, nagpakilala siyang Maggie at masyadong mapilit na sumaglit ako sa loob ng shop niya... so sumunod ako!
Alam niya ba na weakness ko ang mga libro? Kaya ko naman i- resist ang temptation na pansinin ang shop niya saka sundin ang utos ni mom and dad. Pero parang alam niya na hindi na ako makakatanggi kapag hinila niya na ako papasok ro’n, at ‘yun na nga ang nangyari. Hay!
Pagkapasok ko pa lang sa loob ng book shop ng nagpakilalang Maggie ay halos magningning na ang mga mata ko.
Kung kakaiba na ang hitsura nito sa labas ay mas lalong espesyal ang hitsura sa loob, bawat sulok ay gawa sa salamin at sapat ang mga naka- kabit na lighting sa buong paligid para pagmukhaing elegante ang lahat sa interior design. Mula sa mga pulang carpet, bookshelf na gawa sa ginto at naglalakihang mga chandelier na puno ng dyamante bilang disenyo nito.
Wait, napansin kong parang kakaiba rin ang laki ng bookshop ni Maggie mula rito sa labas kumpara sa laki nito kapag tinignan mo sa labas. ‘Di hamak na mas malaki pala sa loob! Imagine... parang kasing- laki na yata ito ng museum!
“Bago lang ba ang bookshop mo na ‘to sa subdivision namin?” nagtatakang tanong ko kay Maggie habang iginigiya niya akong maglakad pa papunta sa sentro.
“Huh? Hmm,” kunwa’y nag- isip ito nang malalim saka ngumisi. “Matagal na rin,”
“Ganoon ba... hindi ko lang siguro napapansin kapag nadaan ako.”
“Siguro nga, Hailey, mukha kasing malalim ang iniisip mo sa araw- araw,” aniya na hindi inaalis ang suot na ngiti.
“Alam mo ang pangalan ko?” gulat na tinignan ko siya.
“Oo naman, kahit sino ay hindi makakalimutan ang matalinong bata na katulad mo,”
Hindi ako nakaimik sa sinagot niya. Uhm? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako popular sa school?
Maya- maya ay tumawa ito saka bahagya pang tinulak ang braso ko. “Charot, Hailey. Nabasa ko lang sa name plate mo,” saka niya tinuro ang mini name plate na naka- pin sa suot kong uniform.
Oh. Right. Okay.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa narating namin ang bandang dulong bahagi ng bookshop niya.
At literal na halos mahulog ang panga ko sa sobra sobrang pagkalula sa nakikita.
Naglalakihang mga bookshelf ang tumambad sa ‘kin, hindi lang basta malaki lang pero ang mga tuktok ng mga bookshelf na ‘to ay hindi mo pa rin maaabot kahit na sumampa ka pa sa pinagpatong patong na tatlong monoblock chair. Hindi lang ‘yon ang nakakamangha, dahil ang mga libro ay nakasiksik sa loob nito pero tila lumulutang at hindi nakalapag sa mismong shelves!
Naka- organize ang mga libro base sa genre ng mga ito. Napa- double look pa ako sa isang section kung saan naka- organize naman ang mga libro base sa... lugar?
“Alam mo bang... ito ang pinaka misteryosong bookshop na nakita ko sa buong buhay ko so far?” naiiling na sabi ko kay Maggie.
“Alam ko ‘yon, Hailey. Wala talagang papantay sa bookshop kong ‘to,” taas- baba ang mga kilay na sabi niya habang nakangiti.
“Ang ganda, sobrang ganda!” hindi napigilang bulalas ko habang nakangiti at nililibot ang atensyon sa paligid.
“Siyempre naman!” ani Maggie saka ngumisi. “Magandang lugar para sa magagandang tao na mahilig magbasa ng mga libro,”
Tumigil ako sa paglalakad nang tumigil din ito, saka siya biglang pumalakpak ng dalawang beses. Magtatanong pa lang sana ako kung anong mayroon nang biglang umugong ang buong floor at nahati sa dalawa ang maliit na bahagi nito.
Ibinuka ko ang bibig ko para magreact sa nangyayari nang magkaroon pa ng hagdanan pababa roon kaya itinikom ko na lang ang bibig ko at pinanood ang mga nangyayari.
Hightech ba ‘yon? Pumalakpak lang siya saka parang may sariling buhay ang sahig na bumukas!
“Natatakot ka na ba? Nasa basement part kasi ang librong para sa ‘yo, pasensya na sa pagka- extra ng bookshop ko,” she chuckled.
“Hindi ako natatakot, maliban na lang kung madilim sa basement... may fear ako sa darkness.” Pagsasabi ko kaagad sa kanya.
Saglit siyang natigilan saka sinilip ang ibaba noong hagdan at malakas na pumalakpak ulit. Nagkaroon bigla ng malakas at maliwanag na ilaw sa sinasabi niyang basement.
“Ayan! Pwede na tayo bumaba?” aya niya saka naunang umabante ng hakbang.
Sumunod din ako sa kanya saka nagtanong habang binababa namin ang mga hakbang sa hagdan.
“Sino nga pala ang nagpapabigay ng libro para sa ‘kin?”
Wala kasi akong maisip na kung sino man na ganoon, gaya nga ng sabi ko ay wala akong mga kaibigan masyado sa school at sa labas ng school. Imposible naman na ang family ko... alam nila kung gaano karami ang libro ko sa mini library na mayroon kami sa bahay, for sure ay hindi sila.
Ngumisi si Maggie saka nilundag ang huling hakbang ng hagdan nang makarating kami sa basement.
“Ayaw niyang magpakilala,” bahagya pa itong lumapit saka itinapat ang palad sa bibig para bumulong. “Very confidential daw kasi. Pero malalaman mo naman sa huli, magpapakilala din ‘yon,”
Confidential?
May secret admirer ba ako na hindi ko nalalaman?
Nagpatuloy kami sa paglalakad muli at sa hindi na mabilang na pagkakataon ay amazed na naman na pinagmasdan ko ang paligid. Wala na ngayong mga bookshelves para hawakan ang mga libro, maraming glass box na ang mga narito habang may tag- iisang libro ang nakalagay sa loob. Ang malawak na basement ay puno ng magkakalayo sa isa’t- isang glass box na ganoon.
Nilapitan ko ang isa sa glass box na malapit sa ‘kin, tinitigan ko ang librong nasa loob dahil sa ganda ng book cover nito. At nang hahawakan ko na sana ang glass box saka naman ako napasinghap nang biglang magkaroon ng mga ahas sa paligid ng libro!
“Oh my god!” gulat na bulalas ko saka itinuro kay Maggie ang glass box na ‘yon. “Walang snakes kanina... tapos biglang... saan sila galing?!”
Tinitigan naman ni Maggie ang tinutukoy ko saka tumango na parang naalala kung bakit. “Relax, Hailey, ano lang ang mga ‘yan... uhm, props!”
“Props?!”
“Yes, props. Kasi that book is about the world of snakes,” paliwanag nito saka itinuro ang isa pang glass box sa tabi. “Ito, book about the ocean,”
Binalingan ko ng pansin ang tinutukoy niya saka namilog ang mga mata ko nang makitang steady na lumulutang sa gitna ng tubig ang libro. Hindi nababasa, hindi napupunit ang mga papel. Steady!
“Engkanto ka ba?” biro kong bulalas sa kanya. “This is impossible!”
“Aray naman ha, ang babang uri ng mga engkanto. Better ako kaysa sa kanila, isa pa they’re bad.” Aniya saka hinila na ang kamay ko paalis doon. Tumigil kami sa harap ng nakabukas na glass box. “Nandito na tayo! This book is for you, pwede mo nang kuhanin!” tinuro niya ang libro sa loob.
Nag- aalangan na tinignan ko ‘yon saka nagsalita. “Parang ayoko, Maggie, baka may lumabas na kung ano...” pabirong sabi ko sa kanya pero seryoso ako, ayoko talaga at baka may lumabas na ahas o palaka.
“Wala ‘yan, ano ka ba! Hindi pa tapos ang kwento niyan kaya hindi pa tukoy kung ano ang sentro at aral ng libro.”
Nalukot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. “Hindi pa tapos ang kwento? Pero-“
“Kuhanin mo na, Hailey, magsasara na rin ang shop ko. Para makauwi ka na rin,” nakangiting ibinigay niya ang libro kaya kahit nag- aalangan ay inabot ko na ‘yon.
“Alamin mo ang sikreto sa likod ng dalawa ngunit nag- iisang prinsipe sa kwento, kailangan mong alamin,” aniya saka kumindat sa akin.
Dalawa ngunit nag- iisa? Huh?
Nagpaalam kami sa isa’t- isa ni Maggie pagkatapos no’n saka mabilisang inuwi ko ang libro sa bahay. Puno pa rin ng mga katanungan ang isipan ko tungkol sa libro at sa nagbigay nito pero hinayaan ko na lang.
Mabuti na lang at wala sila mom at dad, mamaya pa ang uwi nila galing sa trabaho kaya naman nakangiting dumiretso ako sa kwarto ko.
Binaba ko ang bitbit na bag saka tinitigan ang book cover ng libro. Hardbound ‘to at makapal, ang book cover ay kulay asul at walang ibang makikitang disenyo kung hindi koronang ginto lang na malaki. Naupo ako sa kama saka binuklat ang libro, ang unang pahinang bumungad ay ang litrato ng malaking palasyo. “Magic Paradise,” pagbasa ko sa nakasulat sa tabi ng nakaguhit na palasyo.
Magic Paradise? Ito ba ang pangalan ng lugar na ‘to?
Maganda pa sa palasyo ng Disney, ano kaya ang pakiramdam na tumira sa lugar na ganito? Natatawang nilipat ko ang pahina saka ang sunod na bumungad naman ay ang kwento patungkol sa hari at reyna ng Magic Paradise, maging sa nag- iisang anak nila na prinsipe.
Sa susunod na pahina makikita ang litrato ng dalawang lalaki na parehong may suot na korona.
“Prince Aries, Prince Ariel.” Pagbabasa ko sa mga pangalang nakasulat sa tabi ng bawat litrato. “Dalawa silang prince pero bakit nakasulat sa kwento na isa lang ang anak na prinsipe? Ampon ba ang isa?” nagtatakang bulong ko.
Pero magkamukha silang dalawa.
Si Prince Ariel ay nakangiti sa litrato, mukha siyang prince charming sa mga barbie movies at gentleman. Habang ang isa naman, si Prince Aries ay nakangisi sa litrato, may nag- iisang hikaw pa ito sa isang tainga habang halata sa mukha na pilyo.
Ipinilig ko ang aking ulo... ang wirdo naman, ang gulo ng author ng libro.
Nilipat ko na lang ang pahina saka nagulat nang wala ng makitang mga nakasulat o kahit litrato man lang sa mga susunod na page. Kahit sa pinaka- dulo ay wala na!
“’Yun lang ba ang kwento ng libro?” naiinis na bulong ko habang sinisipat ang libro ng Magic Paradise. Saka ko naalala ang binanggit ni Maggie kanina na hindi pa raw tapos ang istorya nito.
“Kung ganoon, anong point ng pagpiprint ng librong ‘to kung hindi pa pala tapos?”
Iritableng isinara ko ang libro saka nahiga sa kama. Feeling ko, kung sino man ang nagpapabigay ng librong ‘to sa ‘kin ay pinagtitripan lang ako!
Walang kwenta.
Ipinikit ko ang mga mata ko nang makaramdam bigla ng maintinding antok, pipigilan ko pa sana na makatulog na dahil naalala kong hindi pa ako nakakapag- bihis ng damit at nakakapag- skin care routine nang magdilim na ang paligid.
TO BE CONTINUE...