CHAPTER 18: Someone I Do Not Know THIRD PERSON’S POINT OF VIEW Minulat ni Apricot ang kaniyang mga mata at unang hinawakan ang dibdib. Pinakikiramdaman ang mabilis na mabilis na t***k ng puso. Pakiramdam niya rin ang bigat bigat ng emosyon na nararamdaman niya ngayon kahit hindi pa naman niya inuumpisahan ang araw. Am I sad? Naalala niya ulit ang panaginip na parang totoong totoo na nangyari kanina lamang. ‘Yung lalaki ulit na ‘yon ang nakasama at nakita niya sa panaginip niya, ‘yon din kung hindi siya nagkakamali ang kasama niya sa panaginip noong nakaraang gabi. Niloloko ba ako ng sariling isip ko? Hindi naman pwedeng memories ko ‘yon from the past. Wala akong magulang na may ari ng book shop gaya ng nalaman ko sa panaginip at isa pa... hindi ko kilala ‘yong lalaki. He is not e

