Naranasan ko na ito noon at ngayon ay naranasan ko na naman ulit. Hindi ko alam na may mas isasakit pa pala. This morning I woke up with my mother's cry. Nang lumabas ako ng kwarto at bumaba papuntang kusina para malaman kung ano ang nangyari ay nakita ko si Mama na mahigpit na niyayakap ni kuya. Dumadaloy ang luha sa kaniyang mga mata. Si Kuya ay wala ring pinagkaiba. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Magtatanong na sana ako kung bakit sila umiiyak ngunit hindi ko na naituloy dahil sa narinig kong paulit-ulit na sambit ni Mama. "Ate Ivy," ang paulit-ulit na lumalabas sa kaniyang bunganga. And it hit me. I don't want to think about it. Baka nagkamali lang ako ngunit ng akala. Baka mali ang pagkakaintindi ko. Tumingin ako kay kuya at nakita siyang malungkot na nakatingin din sa akin

