Gamit ang telescope, kitang-kita ko ang pagpalitan ng pera at drugs ng isang chinese at isang pinoy. Nasa kabilang building ang mga ito. Ako naman nasa kabila habang nakaupo at nakatutok sa mga ito ang sniper ko. Inilagay ko ang daliri ko sa gatilyo ng baril. Kitang-kita ko ang mga tauhan nito na nasa paligid ng buong kuwarto. Sa ibaba ng building naroon din ang sandatambak na tauhan ng mga ito. Gumalaw ang panga ko habang nakatutok ang paningin sa dalawang leader na nagkakatuwaan. One.. Two... Three.. Shout! Sa isang kisap mata bumagsak ang dalawang pinuno. Isang ngisi ang kumawala sa labi ko ng mataranta ang mga tauhan na nasa loob. Ngunit dalawang tauhan ang tumingin sa gawi ko. Tiyak kong nalalaman nitong nasa kabilang building lamang ako. Kita ko pa ang pagsalita nito gamit

