Pagkalabas na pagkalabas ng gate ay siya namang pagkagulat ko. "Hi, good morning!" nakangiting wika nito. Halatang bagong paligo at napaka-presko ng itsura nito. Short at t-shirt lang ang suot nito pero napakalakas talaga ng dating. Bigla akong napatingin sa orasan ko. Alas siyete pa lang ng umaga. Talagang 'di ito nagbibiro kagabi? "Good morning. Anong ginagawa mo rito? Hindi ako tumatanggap ng manliligaw sa ganitong oras ng umaga," kunwa'y pagsusungit ko. Hindi ko alam kung bakit natatakot akong magpakita ng kalambutan sa lalaking ito. Natawa ito ng mahina. "I told you, ihahatid kita." Umiling ako. "Magta-taxi na lang ako--" "Nandito na rin naman ako. Gumising pa ako ng maaga para lang maihatid ka." Kinunutan ko ito ng noo. "So, kasalanan ko pa na gumising--" Nang bigla ito

