LUMIPAS ang mga araw. Habang tinuturuan ko ang mga studyante ko ng may biglang kumatok sa pintuan. "Excuse me, ma'am. May delivery lang po kayo." Lumapit naman ako sa lalake. Bago man ako makapagsalita, inabot nito ang malaking bouquet. White and red roses. "Sa akin ito? Sure po ba kayo kuya?" paninigurado ko. "Opo ma'am. Faye Sanchez, tama po ba?" Kunot man ang noo nagawa ko pa ring tumango. Hanggang sa naka-alis na ito hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nagbabasakali akong may makitang maliit na note. Pero wala! Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Pero infairness, halatang mamahalin ang bulaklak at nagaalimuyak sa bango! "Woow! Ang ganda ng bulaklak ma'am. Ang sweet naman po ng boyfriend niyo!" Namula bigla ang mukha ko ng magsihagighikan ang mga ito at pumal

