BIGLA itong napa-iwas ng tingin.
"Hindi mo na 'yon problema. At kung puwede lang 'wag mo na akong sundan."
Bigla akong napabuntong-hininga habang pinagmamasdan itong papalayo.
Hindi yata sanay magpasalamat ang babaing ito?
Bahagya akong napangiti. Binigyan na naman ako nito ng pagkakataon upang mapalapit dito.
Ang totoo, kanina ko pa ito sinusundan. Laking pasalamat ko talaga at naisipan ko ang bagay na iyon at kung hindi baka napahamak na ang dalagang ito?
Bakit nga ba naglalakad ito? Hindi ba nito naisip na delikado ang ginagawa nito lalo na't mag-isa lang ito at babae pa?
Inilibot ko bigla ang paningin.
Ang dilim pa sa kalsadang ito?!
Bigla akong natigilan.
Walang nobyo ang dalaga? At nagsinungaling lang ito sa akin? Sinong matinong lalake na hahayaang maglakad ng mag-isa ang kasintahan?
Pumihit ako pabalik. Kumuyom ang kamao ko.
"Boss.."
"Nasaan sila?" tiim-bagang na tanong ko sa tauhan.
"Nasa bodega, boss."
Malalaki ang hakbang ko palapit sa bodega kung saan ko ipinadala ang sampong lalake.
"Sinunod namin ang ipinag-utos niyo, boss."
Pagkabukas ng pinto, kaagad bumungad sa akin ang sampong lupaypay at halos mawalan na ng malay.
Gumalaw ang panga ko at saka yumukod sa lalaking nag-utos na sugurin ako kanina.
Madiin kong itinaas ang ulo nito sa pamamagitan ng paghawak ko sa buhok nito.
Putok ang mga mata nito pati na ang labi at maga ang mukha nito.
"Siguro naman matututo na kayo?" matigas na wika ko sa lalake.
At dahil sa sakit at panghihina nito, tanging tango ang naisagot nito.
"Oras na pakialaman niyo pa ang babae, papatayin ko na kayo pati pamilya niyo!" pananakot ko sa lalake.
Umiling ito.
"H-hindi n-na m-mauulit, p-pangako. P-pasensya n-na t-talaga.." paputul-putol nitong wika.
Marahas kong binitiwan ang buhok nito.
"Pakawalan niyo na." At saka ako tumalikod.
MAHIGIT isang oras ng makarating ako ng mansion. Dumiritso ako kaagad ng secret room kung saan ko inaayos ang lahat ng target.
"B-bro.."
Napahilot ako sa sintido ng makarinig ako ng umuungol. Alas Nuebe pa lang ng gabi, may pinapasok na kaagad ang lalaking ito?
"Pumunta ka rito, may ipapagawa ako sa iyo."
"P-puwede ba bukas na lang hmm.."
Bigla akong napamura sa ungol nito na sinasabayan pa ng babae nito.
"Ooh, yes, isagad mo pa honey!"
Bigla ko itong pinatayan ng tawag.
Ilang minuto ng tumunog ang cellphone ko.
"On the way, na bro. Tinapos ko lang, may kasikipan e. Sayang naman."
Napailing na lang ako sa kalukuhan nito. Ito ang matalik kong kaibigan na sobrang hilig sa babae.
Pero pagdating naman sa mga mission, kinakalimutan nito ang pambababae.
WALA yata akong ginawa kun'di titigan ang maamong mukha ng dalaga.
Wala itong kaalam-alam na dinikitan ko ang relo nito na maliit na device. Kaya alam kong nasa loob na ito ng apartment nito.
Ilang katok ang nagpalingon sa akin. 'Agad ko naman inilapag sa harapan ko ang litrato ng dalaga.
"Bro," ngiting-ngiti ang luko.
Umupo ito sa harapan ko.
"May bagong mission na ako?" tanong nito.
Bahagya akong umiling. Inilagay ko sa harapan nito ang maliit na papel.
"Apartment?" kunot-noong tanong nito.
"Yes. Lagyan mo ng secret cctv camera ang buong apartment niya. Sa kuwarto, sa banyo, sa kusina at sa sala. Kahit sa labas ng apartment niya ganoon din sa kalsada."
Tumikhim naman ito.
"Sino ang nakatira sa apartment na ito? Isa ba ito sa mga target?"
Umiling ako.
"Huwag mo ng alamin. Gawin mo na lang pinapagawa ko."
Nang makita ko ang nakakalukong ngiti nito sa labi. Patay malisya naman ako.
"Hindi kaya, dito nakatira iyong babaing nabanggit ng kapatid mong si Marnix na kinahuhumalingan mo ngayon, bro?"
Bigla ko itong tiningnan ng masama. Ngunit hindi ko maitatanggi ang pagtibok ng puso ko sa salitang kinahuhumalingan?
Ganoon na ba ang tama ko sa dalaga?
"Nakakalimutan mo yata na boss mo pa rin ako?" kunwa'y ko sa kaibigan.
Sa trabaho namin, bawal magtanong ng mga personal na bagay. Puwera na lang kung ako ang magtatanong sa mga agent ko.
Kung ano lang ang ipinapagawa ko, iyon lang ang gagawin nila. Labas na sila sa ilang bagay na hindi ko binabanggit. Ibig sabihin lang noon, wala na silang pakialam doon at gawin lang nila ang ipinag-uutos ko.
Ito lang talaga ang malakas ang loob at matalik ko itong kaibigan.
Namalagi ito sa ibang bansa kaya naman hindi ko ito nakakasama noon, pero ng mag-asawa na ang dalawang kapatid ko, napaki-usapan ko itong bumalik ng Pilipinas at dito na ipagpatuloy ang trabaho nito bilang Secret Agent.
Pumayag naman ang luko at nagsasawa na rin naman daw ito sa mga foreigner na babae sa ibang bansa. Ang luluwang daw ng mga ito!
Kung minsan, napakabulgar magsalita ang kaibigan kong ito. Napaka-babaero. Kung minsan nga napagkamalan itong manyakis sa isang bar e.
Kung makatingin kasi parang lahat ng babae e, papatol sa kaniya. Kaya ayon, nasampal ng dis oras.
ISANG malutong na tawa ang pinakawalan nito. Umiling-iling pa ito.
"I know you, bro." Ngiting-ngiti ito.
"Kausapin mo rin ang namamahala sa lugar na iyon na lagyan nila ng ilaw ang buong kalsada. Ibigay mo ito." Inilapag ko sa harapan nito ang isang sobre.
Amuse naman itong napatango-tango habang namimilyo ang ngisi sa labi.
"Iba pala kapag na-inlove ang isang Marco--" Napahalakhak na naman ito ng batuhin ko ng ballpen na hawak-hawak ko.
"Umuwi ka na nga. Gawin mo 'agad iyan."
Tumayo na ito.
"Ngayon ko na ba gagawin?"
Tinaliman ko ito ng tingin. Nang-aasar ang mga ngisi nito sa labi.
"Subukan mo ng mailibing ka ng maaga," gigil na wika ko sa kaibigan.
Humagalpak ito ng tawa. Lalo tuloy akong naiinis sa pang-aasar ng isang ito.
"Relax, nagbibiro lang e. Alam ko naman na natutulog na ang prinsesa mo sa mga oras na ito!" ngising aso ang gago.
Makakahinga na sana ako ng maluwag ng bigla pa itong humirit. Malapit na ito sa pintuan.
"Siguradong tulo laway ka kapag nakita mo siya sa cctv camera na naghuhubad--"
Bigla kong itinutok ang baril dito na siyang ikinalabas nito ng parang kidlat. Rinig ko pa ang malutong nitong tawa sa labas.
Iiling-iling naman ako.
Nawala nga ang Kuya Marnix ko sa pang-aasar, pumalit naman ang lukong ito.
Ngunit bigla rin akong napangiti kasabay ng pamumula ng buong mukha ko.
Tama ba ang gagawin ko? Pati banyo nito paglalagyan ko ng cctv camera?
Bigla akong napalunok. Pati kargada ko, bigla na lang pumintig!
Hindi ko pa nakukuha ang kiliti nito, ngunit parang ako na ang nagmamay-ari ng buong pangangatawan nito sa gagawin ko.
NAPABUGA ako ng hangin.
Wala akong choice kun'di ang bigyan ng maliit na mission ang lukarit kong kaibigan.
"Faye Sanchez, 23years old. Teacher sa Elementary School. Alamin mo kung may nobyo nga ang dalaga o kung may nanliligaw dito. Siguraduhin mong tama ang info na ibibigay mo sa akin, kun'di malalagot ka!"
Segundo lang ng mag-reply ito.
"Sinasabi na nga ba! Bibigay ka rin e!" At saka ito nag-sent ng laugh emojie.
Ilang beses akong napabuntong-hininga habang tumitipa ng sasabihin dito.
"Aalis ako this week. Ikaw na muna ang bahalang tumingin-tingin sa kaniya. Basta gawin mo 'agad iyong pinapagawa ko sa iyo."
Napatingala ako sa kisame.
Sunod-sunod ang mission na ako mismo ang gagawa. Kaya hindi ako makapag-concentrate sa pagpapapansin sa dalaga dahil sa mission na hawak-hawak ko.
Hindi ko naman ito puwedeng ipasa sa mga agent ko. Dahil 'di ko ugali na kapag sa akin ang mission ay ipapahawak ko sa iba.
Lalo na't bigating mga kalaban ang hawak-hawak ko.
"Para may lakas ka?" Sabay sent na naman nito ng laugh emojie. "I-pray mo lang talaga na walang nobyo ang babaing kinababaliwan mo." Sabay ngisi nito.
Bigla akong napalunok.