BIGLA kong natampal ang noo ko ng maalalang nakalimutan ko pala ang relong ibinigay sa 'kin ng nobyo ko. Kung bakit tinanghali ako ng gising kaya naman halos parang kidlat ang pagkilos ko para lang makarating sa school sa tamang oras. "Good morning kids!" "Good morning ma'am!" sabay-sabay ng mga ito. Kaagad ko naman sinimulan ang pagtuturo sa mga ito. Habang nakaupo sa mesa ng marinig kong nag-vibrate ang cellphone ko. Unknown number? "Bes, si Elai 'to. Makikiusap sana ako sa'yo, puwede ka bang pumunta rito mamaya sa bahay? Sobrang sama kasi ng pakiramdam ko at wala na akong gamot. Wala din kasi ang nobyo ko at nasa U. S ito ngayon." So, kaya wala ito ngayon at masama pala ang pakiramdam? Akmang tatawagan ko ito ng magpadala na naman ito ng mensahe. "Sige bes, hintayin

