“For God sake! Anong ginagawa mo dito?!” mahina ang bosses na tanong nito kay Hayley, natataranta. Habang si Hayley naman ay nilakasan ang kaniyang loob. She looked at his back. Tiningnan niya roon kung may nakasunod ba kay Kier, kung naroon ba ang asawa nito pero wala, walang nakasunod. Siguro ay nasa kwarto nila ito. She looked at the beautiful house. Ganoon na ganoon ang tipo ng bahay na gusto niya. “And what happened to you? Bakit may dala kang bag- bakit may sugat ka?” tanong nito nang makita ang isang dugo sa kaniyang tiyan. Kulay puti ang suot niyang t-shirt kaya halatang-halata ang mantsa ng dugo roon na nagmula sa sugat na nasa kaniyang kamay. Agad na kinabahan si Kier. “Jesus Christ Hayley!” natatarantang sabi nito at hinila siya papasok. Hindi naman siya pumalag pa roon dahil

