Habang nasa ikalawang palapag ng bahay nila ay nakatayo sa may bintana si Kier. Nakatanaw siya sa labas kung saan sobrang tahimik ng kanilang village. Bumuga siya ng hangin and looked at a car na huminto sa tapat ng kanilang bahay. Bumukas ang pintuan niyon at agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang asawa niyang bumaba mula sa sasakyan na iyon. Akala ko hindi siya uuwi? Ani niya sa sarili. Pumasok ang kaniyang asawa at kitang-kita niya kung paano nawala ang ngiti nito sa mga labi at napalitan ng pagtataka. Tiningnan niya kung sino ang tinitingnan nito sa kabilang banda ng bahay nila and there he saw Hayley. Nagkatinginan silang dalawa. Napamura siya at agad na tumakbo pababa ng bahay nila. “What are you doing with my plants?” tanong ni Fajrah sa babae nang hindi ito sum

