Binigyang tingin ni Fajrah ang mga taong gulat na makita kung sino ang nasa tabi niya. Pasimple niyang kinagat ang pang-ibabang labi upang maitago ang pagporma ng isang ngisi riyon. Siguro naman ay sapat na iyon upang maniwala ang mga ito sa kaniya at upang patunayan na hindi siya nagsisinungaling, na hindi gawa-gawa ang mga sinabi niya sa mga ito. “Engineer, good afternoon.” Si Gian nang makalapit sa kanilang dalawa. “Gian,” ngumiti si Kier rito, “It’s good to see my wife’s friend again.” Ani nito, nakarinig ng pag-ubo si Fajrah sa kaniyang gilid. Nilingon niya ito at doon ay nakita niya ang babaeng unang nagpasimuno ng lahat, who said that she was just making things, si Audrey. Tumingin agad ito sa ibang direksiyon upang hindi magtama ang kanilang mga mata. Halata sa ekspresiyon nito

