Parang gumuho ang mundo ni Fajrah nang malaman niya nang marinig ang sinabing iyon ng doktora. Si Lance naman ay agad napahawak sa braso ng babae nang makitang bigla na lang na nanghina ang babae. “But you don’t have to worry, Mrs. Timbreza. There’s a treatment for it, you can take medications but if it will not help you get pregnant, I have to recommend to you the IVF treatment. For now, take this medicine and and I will see you after your sixth period cycle.” ngumiti sa kaniya ang doktora. Habang nasa sasakyan ay tahimik lamang si Fajrah. Hindi na rin nagsalita pa si Lance dahil alam niyang mas kailangan ni Fajrah ang katahimikan. “Thank you, Lance.” pasalamat ni Fajrah kay Lance ng ihatid pa siya nito sa tapat ng room nila. Ngumiti naman ang lalaki. “You are always welcome.” Ngini

