Agad na nanlaki ang mga mata ni Hayley ng marinig niya kung ano ang tinawag ng kaniyang tatay kay Dominic. “ANONG MANLILIGAW?” nanlalaki at napalakas ang bosses na tanong ni Hayley sa kaniyang tatay. Pagkatapos ay nilingon niya si Dominc at pinanlakihan ng mga mata. Ano itong pinagsasasabi niya? Anong manliligaw? Kung wala lang ang ama ay sinabunutan niya na ang lalaki. Ito na nga ba angsinasabi niya. Bat ba kasi ito pumupunta ng hindi nagsasabi sa kaniya. Edi naabutan siya ng tatay nito! May pagka old fashion pa naman ang tatay ni Hayley. “Anong manliligaw?” si Dominic naman ang tinanong niya sa pagkakataong ito. Napangiti si Dom ng pilit at bumulong. “Hindi ko alam ang sasabihin eh, kinabahan ako. Wala ka kasi baka akalain niyang nandito ako para kay Tita.” he said and laughed. “Ano

