“Kier,” tawag ni Hayley sa kabilang linya. Napahinto si Kier sa kaniyang kinatatayuan at tila ba ay nabuhusan ng malamig na tubig. Nilingon niya ang asawa na ngayon ay natutulog pa rin. Bak marinig siya ng asawa at magising ito kaya napalunok siya ng laway bago tahimik na lumabas sa silid na iyon. Habang paulit-ulit naman siyang tinawag ni Hayley sa kabilang linya. “Kier. Kier! Kier!” unti-unti nang naiinis na wika nito. “What do you need?” tanong niya rito kaagad oras na makalabas siya sa silid. Tumungo siya sa hagdanan kung saan walang tao at doon kinausap si Hayley na nasa kabilang linya pa rin. Mainit ang ulo katulad ng kung gaano katirik ang araw sa tanghaling iyon. “Nasaan ka?” tanong nito sa kaniya. Napabuga ng hangin si Kier. He breathed, calmed himself and asked “Why?” “Bast

