Bata pa lang ay kapos na sa pera sina Hayley. Nong buhay pa ang nanay niya, iyong mga sahod ng tatay niya noon ay tama-tama lang para makakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Kaya nga pinagbubutihan niya ang kaniyang pag-aaral dahil katulad ng sabi ng nanay niya sa kaniya noong buhay pa ito ay isa ang pag-aaral sa mga daan upang makaraos sila sa kahirapan. Iyon nga lang ay pumanaw ang nanay niya, and they went more poorer ng pumasok sa buhay nilang mag ama ang mag ina na sina Baste. Kahit anong gawin niya, kahit anong pagbabanat ng buto ang gawin niya para kahit siya man lang ay makaraos sa letch*ng kahirapan na iyan ay wala pa ring nangyayari, hanggang ngayon hirap pa rin siya. Hanggang sa nawalan na nga siya ng pag-asa. Tinanggap niya na lang na ganoon na talaga sila, mahirap. Bu

