Chapter 5

2570 Words
WHEN I was a little kid, my father used to tell me to always forgive. One time at school, one of the bullies pushed me to the ground and my father saw what happened. Instead of reprimanding the bully, he took me away and told me to just forgive the kid and to never allow hatred fill my heart. My life would be peaceful that way. Naiyak pa nga ako dahil hindi niya ako pinagtanggol at hindi binigyang pansin ang nararamdaman ko. “Do not let other people’s negative actions affect your peace.” This was what he said. My young heart, didn’t understand my father’s words back then but I followed what he said. The next day, I approached the bully and told him that I forgave him for pushing me. It made a difference because later on the bully started to become friendly. Hindi sa lahat ng oras ay nasusunod ko ang payo ni Dad dahil minsan pinapatulan ko rin ang mga taong ginugulo ako. Ganoon naman palagi ang buhay, eh. We sought advice but did not even care to follow it. Isa pa, hindi lahat ng kasalanan ay karapat-dapat na patawarin. There were bigger mistakes not worthy of forgiveness, just like what happened to them. Until now, I still housed loathing towards the people who ruined my family. Pero ngayong nasa tamang edad na ako at iba’t-ibang uri ng tao ang nakasasalamuha ko araw-araw, lubos ko nang naintindihan ang mga sinabi ni Dad sa akin noon. Katulad na lamang ngayon, sinabi nga naman ng lalaking nagngangalang Luke na nagmamadali sila. They had their reasons and I could not blame them because I was at fault too. Hindi naman sapat na dahilan na dahil hindi dinadaanan ng maraming sasakyan, eh, pwede nang maglakad-lakad sa gitna ng daan. Before anger filled my heart, I started to calm myself. One deep breath and the irritation inside my heart started to vanish into thin smokes of air. Today, I’ve chosen to keep my peace. I found myself walking on the pathway of positivity despite experiencing several turbulences along my journey in this dream city. Hindi ko na pinagpatuloy ang pamamasyal at nagdesisyon na bumalik na lang sa Alhambra Hotel para maligo at linisan ang natamo kong sugat. Doon na rin siguro ako kakain ng lunch dahil wala namang masyadong kainan sa kinaroroonan ko. Akala ko, mahihirapan pa akong makahanap ng masaskyan pabalik sa hotel pero laking pasasalamat ko nang may dumaan na kalesa sa harap ko at walang dalang pasahero. The overflowing surge of excitement came crashing like mad waves in my system when I started to settle on the native vehicle. I enjoyed the rest of the ride and took several selfies and pictures along the way with the previous incident totally forgotten.   “MA’AM, masyado pong malaki itong binayad nyo. Wala po akong pamalit.” Ngumiti lamang ako at nag-umpisa nang bumaba sa kalesa. Halos hindi ko pa nga marinig ang boses ni kuya dahil sa mga malalakas na sigawan sa paligid. “No worries, Kuya. You can keep the change po. Magpahinga rin po kayo nitong horse niyo,” magalang na sambit ko at tinapunan ng tingin ang kabayo. He looked exhausted. A small amount of guilt crept to my heart when I realized that I was actually one of the reasons why the horse felt that. “Naku! Malaking bagay po ito sa pamilya ko, Ma’am. Maraming salamat po!” Tumango lang ako at kunot-noong tinapunan ng tingin ang mga taong nag-iingay sa harap ng hotel. May mga dala pa silang naglalakihang placards. Sari-saring edad ng mga ralista ang nakikita ko. May mga bata pa ngang kasama. Alam kaya nila ang ginagawa nila? “Naku! Nag-uumpisa na naman sila! Reklamo nang reklamo pero ang dali lang din naman nilang bilhin ng pera. Mga wala talagang prinsipyo.” Pumalatak si kuya kutsero habang pinagmamasdan ang mga tao. Hindi ko maiwasang mapailing nang marinig ang sinabi niya. He had a point but those people have their beliefs and stands too. Hindi naman sila mag-aaksaya ng panahon na makipagsiksikan sa gitna ng init at kasikipan kung walang kwenta ang kanilang pinaglalaban. Sila ang mga nasa ibabang sektor na napagkakaitan ng boses at tinatanggalan ng karapatan at ito lang ang alam nilang paraan para mapakinggan sila ng kung sino man ang kalaban nila. “They have their reasons naman po, Kuya.” “Naku, Ma’am! Siguradong baluktot ang rason nila. Eh, ang babait nga ng pamilya na kinakalaban nila. Tsaka marami naman ang naitulong ni Cong sa kanila. Sobra-sobra pa nga. Kaso lang, may mga tao talagang hindi marunong makontento at lahat na lang inaasa sa gobyerno.” May punto na naman si kuya pero hindi na ako nagbigay ng sariling opinyon. Baka kung saan pa mapunta ang diskusyon namin. Basing on his reasons, he seemed to be a loyal supporter of this certain Cong who was the reason why these people rally today. Muli kong naramdaman ang hapdi na nagmumula sa sugatan kong braso kaya bigla kong nakalimutan ang mga tao at ang pakikipaglaban ni kuya sa kanyang opinyon. I waved goodbye to him and started walking towards the entrance, deep in thought as to how could I enter the hotel. “Magnanakaw!” “Mamamatay tao!” “Ibalik niyo ang pera namin!” Napangiwi ako sa mga salitang naririnig sa bawat taong nagsisigawan habang lumalapit sa direksyong inuukupa nila. As much as I wanted to stay away from these people, I could not since they were positioned at the only entrance of this hotel. Damn! Minsan na rin namang may nag-rally sa Capitol ng probinsya namin noon dahil sa isang kasalanan na ginawa ng isa sa mga assistant ni Lolo. But since he was in the position, all the hatred was entirely directed to him. I’ve only seen it from the news but I was so mad knowing the fact that my grandfather was innocent. I wanted to come to that very place and helped him clear his name but he made it clear before that I was banned in that place especially during rallies. Alam din niyang iyon ang mangyayari sa araw na iyon kaya dinoble niya ang mga bodyguards sa bahay in case na tatakas ako. He just wanted to protect me from certain killers, afraid that what happened to my parents could happen again. Hindi niya iniisip na may posibilidad ding mangyari iyon sa kanya. I was even branded as the granddaughter of a corrupt official because of our lavish living. Little did they know that before my grandfather became a politician, he married the richest sugarcane heiress of Negros, not to mention my grandfather’s an owner of a distillery business. It was until they had my father that lolo decided to enter politics, also because of the push coming from his politician friends, saying that he could be of great help to the people of our province. Pero sadyang unfair ang mundo dahil hindi nawawala ang inggit at paninira sa loob ng partido nila hanggang sa nabahiran na nga ng masasamang salita ang pangalan ni Lolo. But because he loved to serve his people, he continued public service. He wanted me to take over our businesses but I refused out of rebellion. Afterall, I wanted to create a name of my own and not rely on what already existed before me. Kung may isang bagay man akong natutunan sa aking ama kahit sa munting panahon kasama ko siya, iyon ay ang matutong tumayo sa sariling mga paa at huwag umasa sa apelyido ng aking lolo. ‘Do not live behind the shadow of your grandmother and grandfather’s name. Make a name of your own.’ Ang nakatatawa lang, sa loob ng dalawampu’t limang taon kong pananatili sa mundong ito, wala pa rin akong nagagawang pangalang ipagmamalaki ng mga magulang ko. “Psst! Girl! Hali ka rito! hawakan mo ‘to. Makiisa ka sa adhikain namin para sa ating bayan at para sa kinabukasan ng ating mga anak!” Isang payat na babae ang lumapit sa akin at may inabot na malaking placard habang karga-karga ang kanyang anak. Kitang-kita sa mukha ng bata ang hirap na nararamdaman habang nasa bisig ng kanyang ina.  Kung nagpahinga na lang kaya ang babae sa bahay nila at inalagaan ang kanyang anak. May ‘para sa kinabukasan ng ating mga anak’ pa siyang nalalaman. ‘I’m sorry. But I’m not from here and your battles are not mine to take. Excuse me.” I took out my shades and wore it before living the lady behind. “Atribida! Pareho-pareho kayong mga mayayaman! Mga walang puso!” And I was judged easily just because I took my stand. Ganyan naman palagi ang mundo. Wala nang pagbabago. Kahit maraming tao, pinilit ko ang makarating sa harap ng hotel para makapasok sa entrance. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad kahit minsan nagigitgit na ako ng mga tao at nasisigawan. Bahala kayo. I have my own problem to deal with. Kailangan kong linisin ang sugat ko at baka mag-iwan pa ng peklat sa balat ko. I stopped in front of the entrance when my sight landed on the very man who was the reason behind my scraped elbow. So, he was the ‘Cong’ these people were talking about. A Congressman? Hmm. Parang gusto ko na agad mag-agree sa mga sinabi ni kuyang kutsero kanina pero ayoko mang judge agad. It felt like I was also easily judging my grandfather. Kung hindi lang ako apo ng isang politiko, eh! ‘Duh! You easily judge people, too! Hypocrite!’ I wanted to roll my eyes at the voice inside my head. But I’ve chose to brush it off and just focused my attention to my current dilemma. How could I enter the place when there were several security guards and other uniformed men there! Tsk. Unti-unti na ring nagpaparamdam ang tawag ng kailakasan at nanglalagkit na ang pakiramdam ko dahil sa tirik ng araw at mga amoy na dumapo sa akin habang pilit akong sumisingit sa mga tao kanina para lang makarating sa unahan, iyon pala hindi pa rin ako makapapasok sa hotel. “Inaanyayahan ko po kahit isang representative niyo lang na mag-usap kami sa loob para mapakinggan ko ang inyong hinaing at problema para mabilis po natin itong maaksyonan agad. Hindi po tayo magkakalaban dito. Handa po akong tumulong pero hindi ko kayo matutulungan kung hindi ko naman alam ang inyon problema. Kaya kahit isang represante po, kakausapin ko sa loob.” Hindi ko na naman maiwasang mapataas ng kilay dahil sa mga sinabi ng Congressman. Nagawa niya ring patahimikin ang bawat sigawan ng mga tao sa boses niya. Mukhang sanay na sanay na nga siyang humarap sa mga tao. But he looked so young. He was trained well, I could say. “Sinungaling!” “Hindi na kami maniniwala sa ‘yo! Puno ka ng pangako wala namang gawa!” Nagsimula na ulit ang sigawan ng mga tao at tulakan. Muntik pa akong matumba sa aking kinatatayuan dahil sa malakas na tulak ng nasa likod ko. Kaya bago pa ako madawit sa gulo. Nagdesisyon akong lumapit sa isa sa mga guards para makiusap na papasukin ako pero biglang naging agresibo ang mga tao. Naging doble ang tulakan at sigawan. Natapon ako papasok sa barricade na ginawa ng mga guards pero masyadong malakas ang impact kaya diretso semento ang bagsak ko. s**t! Naitukod ko ang aking kamay sa sementong binagsakan at agad na binalot iyon ng pangingilo na lumakbay pa pataas sa braso ko. Nagsisimula nang dumilim ang aking paningin pero pilit ko iyong nilalabanan. I needed to get out of here. Napatignin ako nang diretso at napagtanto kong ilang hakbang na lang ang tatahakin at makapapasok na ako sa hotel. I just needed to be inside! “Ma’am, okay lang po kayo?” May isang security na tumulong sa aking makatayo. Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa domodobleng kirot na nararamdaman ko sa aking pupulsuhan. Nakangiwi akong tumayo at tumango sa tumulong na security guard. “Okay lang po. I just need to be inside. I am a guest here.” “Pasensya na po, Ma’am at nadamay kayo sa gulo. Hindi lang po talaga namin control ang mga tao.” Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Pinagmasdan ko ang paligid at nagkakagulo na nga ang mga tao. Pilit na lumalapit sa unahan. Ano ba ang gagawin nila kung tuluyan silang makalapit sa Congressman? Masasagot ba ang problema nila kung masaktan nila iyong tao? Ang titigas naman ng ulo! “Magnanakaw!” “Anak ng magnanakaw!” Lumingon ako sa pinangalingan ng sigaw at puro mga kabataang lalaki ang nakita ko. Napakunot-noo ako nang makitang may hinugot ang isang lalaki na isang bagay at tinaas iyon upang ihanda para sa pagbabato. Agad na napatingin ako sa direksyong puntirya niyang batuhin at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong balak niyang batohin ang Congressman na pilit pa ring pinapakalma ang mga tao. Bakit andito pa rin siya sa labas? Bakit hindi man lang siya kinuha ng mga guards niya at pinasok sa loob? Ang tatanga naman ng mga tao sa lugar na ito! My sight went back to the young guy and I could not help but shout when the stone was finally thrown to the Congressman’s direction. Tila naging slow motion ang lahat at biglang nagkaroon ng buhay ang aking mga paa. I focused my eyes on the stone thrown at the air and ran to the direction of the stupid Congressman. “Hey!” Everything happened swiftly. I felt a hand clasping my back as the pain coming from my head started to blur my vision. Nawalan na rin ng lakas ang mga paa ko at naramdaman ko na lang ang sarili kong parang nilalamon ng isang kumunoy. “Miss! Are you okay?” Bigla kaming pinalibotan ng mga guards at pinotrektahan mula sa mga tao. Kung kanina pa sana nila naisip ‘yan. Damn! They’re not doing their job. The goal was to protect their boss from the people. Mga tanga! “Stupid! You and your people are all stupid!” Nakaupo na ngayon ang lalaki habang inaalalayan din ako sa pag-upo. Hinang-hina na ang katawan ko at parang gusto ko na lang matulog pero hindi ko magawa dahil buhay na buhay pa rin ang adrenaline sa katawan ko. “Why did you do that!” The guy exclaimed. I could not help but let out a soft laugh as I was also asking myself the same question silently. Bakit ko nga ba ginawa ‘yon? Instinct? “I don’t know. I just wanted to go inside the hotel. Ang bagal niyo kasing kumilos at ang tagal niyong magsialis...” Napangiwi ako dahil sa kirot na tila nararamdaman ko sa buong katawan. A distracting liquid started to tickle down my left face and my hand instinctively flew up to wipe it. Trembling, I opened my palm to examine the liquid only to be morphed back to that very day when I was about to lose my parents. Images of my mom and dad drenched in their blood came flashing in my eyes like a backward movie. The combination of shouts and fired guns started to clashed inside my ears. My heart started to beat fast reaching for a far-away air. I was running out of breath as my anxiety from my parent’s death consumed me to an entire darkness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD