MADILIM na ang paligid nang makabalik kami sa dalampasigan at tanging ang bilog na bilog na buwan na lang ang nagibibgay liwanag sa aming daraanan. Hindi rin kami dumaong sa dock dahil lampas tuhod lang ang lalim ng tubig. Maginaw na ang hanging humahalik sa pisngi namin at malakas na rin ang hampas ng alon pero buti na lang at low tide na ngayon kaya madali lang para sa amin na maglakad sa tubig. We were all laughing because of Vince’s joke. Ben was also eager to c***k another one. Magka-wavelength talaga silang dalawa. Tinamaan na ng alak ang halos lahat sa amin maliban kina Eve at Andra. Samantalang nagpaiwan si Luke sa yate at nag-volunteer na siya ang maghahatid sa port kung saan nakadaong ang iba pang yacht na pag mamay-ari ng mga Montoya. I was holding on to Ben’s arms when Bel

