SA TWENTY-SIX years ni Alex sa mundo, hindi pa nangyaring buong-buong nakuha ng isang babae ang atensiyon niya sa maikling panahon. Ang huling seryosong relasyon niya ay ilang dates muna bago nakuha ng ex-girlfriend niyang si Lilette ang buong atensiyon niya. Lumalim lang ang damdamin niya habang tumatagal na magkasama sila. Iba si Eira dela Veza—Banal. May malakas na hatak ang babae na hindi niya maipaliwanag. Sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila sa shop nang gabing iyon ay iba na kaagad ang pakiramdam niya. Gusto niyang paulit-ulit na titigan ang babae. Gusto niyang panoorin ang bawat kilos nito, pagmasdan ang inosenteng ekspresyon, at titigan ang damdamin sa mga mata. Nang makita niya ang babae sa kubo ni Uncle Ico ay nagliwanag yata ang mundo. Nagising nang husto ang aantok-an

