NAG-ENJOY ng husto si Eira sa dinner kasama ang Mama ni Alex at si Tito Ico. Okay na sana ang lahat kung hindi lang siya nakabasag ng baso, kung hindi lang nabasa ng juice ang damit niya, at kung hindi lang siya nagmukhang walang walang alam sa harap nina Alex, Tita Anjanet at Tito Ico—lahat ng iyon ay naranasan niya dahil sa bisitang humabol sa dinner—si Joy. Kamuntik na siyang masubsob sa sahig dahil pinatid ng babae ang paa niya pagdaan nila ni Alex sa puwesto nito sa sofa. Maagap siyang naalalayan ni Alex kaya hindi siya sumadsad sa sahig. Nabitawan nga lang niya ang baso ng tubig at nabasag. Hiyang-hiya siya kay Tita Anjanet at kay Tito Ico na nakakaunawa ang ngiti sa kanya. Patay malisya naman si Joy, nagpanggap na walang ideya sa ginawa. Napailing na lang si Eira. Siguro nga ay hi

