(1 week passed...) KLEI'S POV: "Haiyst! What's wrong with them? Hindi pa rin ba sila mauubos? Kanina pa tayo nakikipaglaban pero hanggang ngayon wala pa ring katapusan!" Naiinis na singhal ni Gray habang nakikipagbuno sa kaniyang kalaban. "Can you shut up and do your task. Malamang laban ito. Wala tayo sa arena na pinaglalabanan ng mga ito kaya limitado lang ang kalaban. Use your brain, Gray! Ikaw rin ang pumili nito kaya manahimik ka na lang at gawin ang misyon!" Sagot ko naman sa pagrereklamo niya at muling lumingon sa bawat paligid. Nasa loob kami ng abandonadong warehouse na kinalalagyan ng dapat ay target namin. Kaso nakaalis na ang ugag at natira lang ay ang mga kasamahan niya. Kaya no choice kami kundi ang makipagbuno rito. At kanina pa kami nakikipaglaban sa mga ito. Isang o

