KLEI'S POV: Nakabalik na kaming anim sa bahay na tinitirhan namin. Nakita namin na nakaparada sa garahe sa loob ng bahay ang kotse ng mga magulang namin. Kaya alam kong nasa loob na sila. Nasa kanila rin naman ang susi dahil pinauna muna namin silang tatlo. Dumaan muna kasi kami sa malapit na clinic sa lugar na ito at pinagamot ang braso ko na pasang-pasa talaga. Hindi kami mapakali si Hume sa braso ko kaya kahit na sinasabi ko na okay lang ako, mas pinili niyang gawin ang kagustuhan niya. Gan'on din ang gusto nina Kuya Vin kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang daw hindi tinudo ang paghigpit dahil may tendency na magkaroon ng fracture ang aking braso. Kailangan ko lang muna raw magpahinga at huwag munang gamitin nang todo ang aking kamay para tuluyan itong maghilo

