THIRD PERSON'S POV: "Where's dad?" Nanghihikahos na tanong agad ni Cooper sa kaniyang ina nang tuluyan na siyang makapasok sa kwarto ng mga ito. Doon niya nakita ang kaniyang ama na nakaupo sa kama. May hawak itong itim na envelope sa kamay. Nakita na rin niya ito noong nakaraang mga araw pa kapag bumibisita siya sa kanila. Nalaman niya na galing ito kay Savyrah pero hindi niya alam kung ano ba ang nilalaman ninyo sapagkat hindi ito sinasabi ng kaniyang ama. Kaso kung ano man ito, hinding-hindi niya mapapatawad si Reilly na hindi niya inaasahan na ibang tao na pala ang nagmamay-ari nito. Kaya pala noong una pa lang nilang pagkikita ay may kakaiba na talaga sa dalaga. Akala niya ay nagbago ito dahil sa gusto nitong mapatunayan na hindi siya talunan. Nang malaman niya na matagal na pala s

