SAVYRAH'S POV: "SAVYRAH! BAD NEWS—WHAT HAPPENED?!" dinig kong sigaw ni Avies habang papalapit sa aking kinaroroonan. Subalit hindi ako lumingon man lang sa kaniya. Nanatili akong nakaluhod sa damuhan at nakatitig nang walang emosyon sa kawalan kung saan nakita ko na lang ang aking ama na kinuha ang kakambal ko at dinala kung saang lugar na hindi ko na naman siya makikita. "B-bakit gan'on... B-bakit gan'on sila sa amin? B-bakit pilit nila kaming pinaglalayo?" Ang luha na aking hindi magawang maalis ay tuluyan nang bumagsak nang dahan-dahan sa aking pisngi. At sa pagbagsak nito ay ang mga masasayang alaala na aking naranasan sa kamay mismo ng aking kakambal. Ang pagmamahal na walang makakahigit kaninuman. Iba man siya para sa iba subalit para sa akin ay parehas lamang kaming dalawa. Kahi

