KLEI'S POV: "Don't think too much. Hindi importante kung ilang taon ka na ba. Ang mahalaga wala kang katabi na magaling magmanipula dahil hindi ito magandang senyales sa magiging kinabukasan ninyong dalawa." Nakangiti niyang paalala sa akin pero kita ko pa rin ang pagbigay niya sa bawat isa sa amin ng seryoso na tingin. Halata talaga sa kaniyang inilabas na mga kataga na tunay ang kaniyang sinasabi. Pero bakit naman bawal? Ano bang mangyayari kung may kasama kaming 'Manipulator'? Napalingon pa kaming lima sa nag-iisang kilala namin na kayang magmanipula. Kaso kasama ba ang shadow sa tinutukoy niya? O hindi? At saka bakit nga pala kami tumingin lahat dito? Baka isipin niya na siya ang sinisisi namin sa nangyari sa akin? "Aba, Kuya Vil! Baka ikaw ang dahilan kaya nagkakaganiyan si Kamb

